No name names sa showbiz drug users/pushers makatutulong ba?
Jerry Yap
October 5, 2016
Opinion
HINILING kay Pangulong Rodrigo Duterte ng aktor na si Rez Cortez bilang presidente ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino (KAPP) na huwag isapubliko ang pangalan ng showbiz personalities na sangkot sa ilegal na droga.
‘Yan ay sa panahon na marami nang nasasakoteng showbiz personalities. Ang latest ay sina Krista Miller, 2 FHM model at kamakalawa ng gabi lang ay si Mark Anthony Fernandez.
Nagtataka lang tayo kina Ms. Krista, panay ang takip niya ng mukha ‘e kilala naman sila ng publiko. Kakaiba kay Mark Anthony na nakapagtatakang iniharap sa isang malaking press conference kahapon dahil sa isang kilong marijuana. Mariing itinanggi nung una ni Mark Anthony na kanya ‘yung marijuana.
Ang rason ng beteranong aktor na si Rez, mas makabubuti umano na ibigay muna sa kanila ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list para makausap nila at mapagsabihan na maglubay sa kanilang ginagawa.
Kasabay nito, hihimukin umano nila ang showbiz personalities na iproseso ang kanilang sarili para tuluyang makawala sa pagkalulong nila sa ilegal na droga, paggamit man ‘yan o pagtutulak.
Kunsabagay, puwede namang ikonsidera kahit pansamantala ang hiling ni Cortez.
Alam naman natin na ang mga artista ay tinitingala ng kanilang mga fan. Madalas nga ‘e sinusundan pa ang kanilang mga yapak.
Ibig sabihin, ‘yan ang social responsibility nila, ang maging mabuting huwaran sa mga mamamayan lalo sa kabataan.
Kaya tinitingnan ni Ka Rez Cortez na mas mainam kung bigyan muna ng pagkakataon ang mga showbiz personalities na mabigyan ng second chance.
Puwede sigurong pag-isipan ng Pangulo ang mungkahing ‘yan ni Mr. Cortez.
Pero dapat niyang panghawakan ang mga showbiz personalities na matutukoy dahil kredebilidad niya ang nakasalalay dito.
Kung personal information lang, kung sino-sino ang mga showbiz personality na sangkot lalo ‘yung mga tulak ng mamahaling ilegal na droga gaya ng ecstacy at cocaine, ‘e maraming nakararating sa atin.
Very reliable source pa po ang nagpapaabot sa atin niyan.
‘Yung iba nga hindi na natin nakikita, siguro natakot kaya nagpahinga muna o sana naman ay tuluyan nang tumigil.
KEEP CALM MR. PRESIDENT
YOU’RE ON YOUR 100th DAY ONLY
— 2,190 DAYS PA MORE!
Gustong-gusto natin sabihin kay Pangulong Digong Duterte na hinay-hinay lang Sir, huwag po kayong pirming galit, mahaba pa ang laban.
Mahirap naman na magkasakit pa kayo nang dahil lang sa init ng ulo.
Kapuna-puna kasi na tuwing nagsasalita ang Pangulo, sa umpisa ay masaya pero pagdating sa huli, galit na galit na at panay P.I. na ang maririnig sa kanya.
Tingin natin sa Pangulo, masyado na bang nai-stress sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Kaya naman ang mungkahi natin, ‘yung maliliit na bagay at maliliit na trabaho ay huwag na niyang ipatong sa kanyang balikat.
Ipasa na niya ‘yan sa kanyang subordinates. Hayaan niyang magtrabaho ang kanyang mga bright boys sa Gabinete.
Bilib kay Digong ang 16 milyon Filipino pero hindi naman ibig sabihin niyan na “superman” siya.
Kung gusto natin talaga ng isang matapang na lider, huwag natin isubo sa gulo si Digong. Suportahan natin siya at tulungan sa mga pagbabagong itinutulak niya.
Thank you Mr. President!
LABOR SECRETARY BEBOT BELLO
& PRES’L LEGAL ADVISER SA KAPIHAN
SA MANILA BAY NGAYON
NGAYON, ay panauhin sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Maynila sina Presidential Legal adviser, Atty. Salvador ‘Bagets’ Panelo at si Labor Secretary Bebot Bello.
Inaanyayahan ang Malacañang reporters at iba pang media people na nakatalaga sa Maynila na makipagtalakayan kay Atty. Sal Panelo at Labor Secretary Bebot Bello, habang sumisimsim ng masarap na kape sa Café Adriatico.
Tara na!
MPD OFFICIAL NAWALAN
NG SERVICE FIREARM
SIR Jerry, parang bulang naglaho ang service firearm ni MPD Kernel ****** habang inaantay ang parating na protesta ng isang militante grupo Ermita U.S. Embassy Roxas Blvd. Akala namin matinik pero talo pa cya ng isang PO1. Hakhakhak
+639185400 – – – –
HILING NG PUBLIC SCHOOL TEACHER
KAY PANGULONG DUTERTE
SIR good pm. Isa po akong public school teacher Hiling ko sana na kami naman ay mabisita ni President Duterte. Puro pulis at military lng kasi ang pinupuntahan niya. Malaki rin ang sakripisyo namin tuwing election ho.
+639163396 – – – –
DAGDAG TRAFFIC ENFORCER
SA C-5 KAINGIN ROAD!
KA JERRY, mula nang hndi pinadaan ang mga container, truck sa Sto. Nino bridge sa Sucat at sa C-5 Kaingin Road Multinational Village na pinadaan grabe na ang trapik 24hrs. Sana magdagdag cla ng traffic enforcer lalo na sa gabi.
+639208380 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap