Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Filipinas game sa imbestigasyon ng UN

Dragon LadyGALIT na galit na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuligsa ng UN, EU, US at foreign media, kaya hamon ng Pangulo, mag-imbsetiga sila rito sa Filipinas!

Dahil si Pangulong Duterte na ang nag-iimbita,na magpadala ng kanilang pinakamagaling na mga imbestigador, bukas na umano ang pinto sa panghihimasok, ayon sa Pangulo.

***

Ayon sa UN magpapadala sila ng 18 katao sa Setyembre 28 hanggang 29, upang tingnan ang kondisyon sa karapatang pantao sa bansa. Nangangahulugan na iimbestigahan ang pagkamatay ng may 3,000 katao sa bansa, sapol nang maupo ang administrasyong Duterte.

***

Payag kaya ang UN sa Terms of Reference na inilatag ng Filipinas sa pag-iimbestiga ng mga patayan at iba pang insidente na may kinalaman sa karapatang pantao sa bansa? Kikilos kaya ang mga imbestigador at rapporteur sa mga alituntunin na inilatag ng Dep’t of Foreign Affairs na dapat ang mga tao at lugar na kanilang iimbestigahan ay ‘yun lamang may pahintulot ng DFA?

Sa aking pagkakaalam ay hindi nagpapadikta sa kagustuhan ng Filipinas ang rapporteur ng UN.

***

Para ko nang nakikita na ang isasagawang imbestigasyon ay mga patayan sa enkuwentro sa pagitan ng mga pulis at drug pushers. Posibleng may halong pagdududang mga lehitimong enkuwentro ang mga mag-iimbestiga, tiyak bubusisiin ito ng UN!

Mahigit sa isang libo ang napapatay sa enkuwentro ng mga pulis o nanlaban na drug pushers, dito malalaman kung ang operasyon ay kapani-paniwala, gaya nang nangyari sa pagkakapatay sa isang mag-ama sa lungsod ng Pasay, at pagkakapaty sa isang barangay  captain sa naturang lungsod, na umano ay nang-agaw ng baril sa pulis.

***

Tiyak na hindi rin makaliligtas sa imbestigasyon ng UN ang mga natatagpuang patay na may nakasabit na karton sa kanilang dibdib, nakasaad, “Huwag ako tularan, Tulak ako ng droga!” Mas marami ang death under investigation o unsolved murders, kompara sa mga napapatay sa enkuwentro ng mga pulis. Kung hindi bibigyan ng tamang aksiyon ang mga patayan, baka iba ang maging interpretasyon ng UN at EU investigators.

Abangan natin ang mga susunod na pangyayari!

***

Dahil wala ng death penalty, kaya lumalago ang bilang ng extrajudicial killings sa bansa. Mukhang tahimik ang CHR ngayon! Walang demanda o reklamo sa CHR at DOJ dahil walang ebidensiya! Sa palagay n’yo may lulutang na testigo lalo na kung ang napatay ay positibo sa ilegal na droga?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …