Monday , December 23 2024

PAGCOR Casino Filipino Got Talent may silbi ba talaga o ‘raket’ lang!?

HINDI natin alam kung ano ang silbi ng ginagawang talent search ng Pagcor Casino Filipino sa kanilang branches sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Laoag, Pavilion at Tagaytay.

Gusto nating tanungin, ang talent search ba ay kasama sa MANDATO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)?!

Pero wala tayong naaalalang may ganyang mandato ang PAGCOR.

Sa kanilang mga press release, nanghihikayat ang Casino Filipino na lumahok (na naman?!) sa isang talent search ang mga amateur and professional performers (solo or band) na ang magiging premyo ay worth P8-million performance contract.

Ang PAGCOR ba ay nasa ilalim na ng National Commission for Culture and Arts (NCCA)?

Nasaan na ba ‘yun mga nakaraang winners nila? Nabigyan ba sila ng gig slot sa mga Pagcor branches?

Tayo naman po’y nagtatanong lang.

Hindi po kasi natin maikonek kung bakit kailangan gumastos nang ganyan kalaki ng PAGCOR gayong malaki ang pangangailangan na mapunuan ng modernong medical equipments ang mga national and general hospitals sa bansa.

Gagastos pa nang ganyan kalaki sa isang talent search na ang mas dapat gumawa at nababagay sa ganyang pa-contest ay mga pribadong television network ‘di ba?

Hindi lang ‘yan, bakit hindi unahin ng pamunuan ng PAGCOR na dagdagan ang benepisyo ng kanilang mga empleyado kaysa gumastos sa ganitong singing contest?!

Charity begins at home ‘di po ba!?

Chairwoman Andrea “Didi” Domingo, Ma-dam, puwede bang pakibusisi ‘yang ‘talent search’ na hindi natin alam kung bakit napasok sa gastos ng PAGCOR?!

Please lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *