Sunday , December 22 2024

Salamat, Senator Miriam

NAIS nating magpasalamat kay Senator Miriam Defensor-Santiago sa panahong ginugol niya sa paglilingkod sa pamahalaan, at sa natatanging husay at talino na kanyang ibinahagi sa mamamayang Filipino.

Binawian siya ng buhay noong Setyembre 29 sa edad 71-anyos.

Si Santiago ang aking pangulo at ibinoto sa nagdaang halalan. Malaking kawalan siya sa Senado at buong bansa.

Kung nagwaging pangulo, malamang mamumuno siya nang may determinasyon ni Duterte laban sa krimen at korupsiyon, ngunit may diplomasya at kagandahang-asal ng mga pinuno ng mga nakalipas na administrayon.

Maaaring hindi batid ng karamihan pero sa Iloilo Provincial National High School ay itinuring si Miriam na “child prodigy” dahil nanguna sa halos lahat, at nagkampeon sa swimming at Spelling Bee.

Tinapos niya ang B.A. Political Science sa UP Visayas sa loob ng tatlo at kalahating taon. Isang semester siyang nanatili sa unibersidad at nakakuha ng gradong 1.1.

Kahit tatlong buwang nagkasakit, nakapagtapos siya ng magna cum laude noong 1965 at pinarangalang “Most Outstanding Graduate.”

Nang pumasok si Miriam sa UP Diliman para mag-aral ng law ay naging kauna-unahang babaing editor-in-chief ng pahayagan nilang Philippine Collegian.

Nakakuha siya ng pinakamaraming scholarships at unang babae na nagwagi ng “Best Debater” sa taunang laban ng UP Manila at UP Diliman.

Sa University of Michigan ay umani siya ng Master of Laws degree matapos ang isang taon, at Doctor of the Science of Jurisprudence degree makalipas ang anim na buwan.

Nais sanang magmadre pero hindi natuloy dahil kinakapos ang kanyang magulang, at kailangan niyang suportahan ang kapatid.

Muntik siyang bumagsak sa 1969 Bar exams at nakakuha ng 78 percent average. Umiibig kasi siya nang mag-exam, at nagrerebelde sa ama na hindi pumayag na pumunta siya sa Russia sa isang scholarship.

Kalihim si Santiago ng Agrarian Reform noong 1991 nang banggain ng isang sasakyan ang kanyang kotse sa Tarlac. Binuhat siya ng helicopter hanggang Metropolitan Hospital sa Maynila. May nagsabing hindi ito aksidente at tinangkang paslangin si Miriam, na tumatakbo noong pangulo.

Nais maging manunulat pero naging abogado dahil marami silang kaanak na kriminal. Mahilig siyang magsuot ng bathing suit, hindi nagka-crush sa lalaki, binasa ang encyclopedia mula simula hanggang katapusan, hindi gumamit ng makeup dahil “flawless” ang balat at dating nakikipag-basketball sa asawa.

Nayanig ang kanyang pananampalataya nang magpatiwakal ang isang anak noong 2003.

At itinuturing niya ang sarili na “protégé” ni British Prime Minister Margaret Thatcher.

Bahagi ng kasaysayan ang kahanga-hangang buhay ng senadora na puwedeng kapulutan ng aral nang marami, lalo ng kabataan.

Salamat, Senator Miriam.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *