NAWAWALA ba si Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III?!
‘Yan po ang tanong ng kanyang constituents.
Ikalawang termino na ito ni Mayor Junjun Ynares. Pero nagtataka ang mga residente kung bakit kahit anong oras nila puntahan si Mayor Ynares ‘e hindi nila natitiyempohan sa Mayor’s Office.
Sa madaling salita, laging wala si Mayor Ynares as in zero! Nada!
E ano ba talaga, Mayor? Nasaan ka ba talaga?!
Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit butas-butas na naman ang mga kalsada riyan sa Antipolo.
Hindi kaya alam ni Mayor Ynares na nami-miss na siya ng mga constituent niya?!

Aba, Mayor, i-share mo naman sa constituents mo kung ano iyang pinagkakaabalahan ninyo?!
Mabuti na lamang at mayroon kang vice mayor Josefina “Pining” Gatlabayan na siya ngayong laging umiikot para kumustahin ang inyong constituents.
By the way, kumusta na po ang inyong anti-illegal drugs campaign sa Antipolo?!
May nangyayari ba?!
E parang tahimik na tahimik ang bayan ninyo laban sa droga?!
Walang nababalitaan na natotokhang?!
Attention, DILG Secretary Mike Sueno, puwede po bang paki-check ninyo kung ano ang nagyayari kay Mayor Junjun Ynares?!
DIGONG’S WAR ON ILLEGAL
DRUGS MAGTATAGUMPAY

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com