Sunday , November 24 2024

Sen. Miriam pumanaw na

KINOMPIRMA ni dating DILG Usec. Narciso “Jun” Santiago na pumanaw na ang kanyang asawang si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay ginoong Santiago, nasa isang private room ang dating mambabatas nang bawian ng buhay.

Hindi muna nagsiwalat ng iba pang detalye ang pamilya dahil abala pa sila sa pagsasaayos ng labi ng senadora.

Ang mambabatas ay dati nang natukoy na may lung cancer.

Ipinanganak si Santiago noong Hunyo 15, 1945 sa Iloilo City, at panganay sa pitong magkakapatid.

Isang local judge ang ama niyang si Benjamin Defensor habang guro naman ang ina niyang si Dimpna Palma.

Bata pa si Sen. Miriam ay kinakitaan na ng katalinuhan at madalas siyang manalo sa mga school spelling bee at naging valedictorian.

Noong 1965 ay nagtapos si Santiago sa kursong Bachelor of Arts degree in political science bilang magna cum laude sa University of the Philippines-Visayas.

Nagpatuloy  siya sa pag-aaral sa University of the Philippines College of Law at itinanghal na kampeon sa ilang oratorical contests at debate.

Naging cum laude siya nang magtapos sa Bachelor of Laws UP-College of Law.

Taon 1995 nang maging senador si Miriam ay naging author nang halos lahat ng batas at panukalang batas sa kasaysayan ng bansa.

 ( NIÑO ACLAN )

DIGONG NAKIRAMAY SA PAMILYA SANTIAGO

093016-duterte-miriam

NAGPAABOT nang personal na pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa naulilang pamilya ng “Iron Lady of Asia” na si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Kahit sa pagpanaw ni Santiago ay hindi nagbago ang paggalang at pagtingala ni Pangulong Duterte sa Senadora.

Sa pahayag ng Pangulo habang nasa official visit sa Vietnam, sinabi niya na nag-iwan nang maningning na karera sa serbisyo publiko ang dating mambabatas.

Mananatili aniya ang kanyang pagkakakilala kay Santiago bilang graftbuster ng bansa na ginagawang almusal ang mga banta sa buhay dahil sa paglaban sa katiwalian.

Nagpahayag nang matinding kalungkutan ang Pangulo sa pagpanaw ni Santiago ngunit umaasa siya na patuloy na maging gabay ng bansa ang iniwang pamana o legacy ng mambabatas.

Magugunitang sinabi ni Duterte kay Santiago sa huling presidential debate sa Dagupan City noong Abril 24 ang mga katagang “you will live for a thousand years”.

( ROSE NOVENARIO )

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *