Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tangkang pagpatay kay Jaybee Sebastian dapat usisaing maigi!

SIYEMPRE maraming kanya-kanyang ‘conspiracy theory’ o haka-haka ang naglalabasan sa naganap na saksakan sa Building 14 sa National Bilibid Prison (NBP).

Patay ang sinabing drug lord na si Tony Co. Sugatan sina Jaybee Sebastian, Peter Co at isang Vicente Sy.

Pero nang mahawi ang kaguluhan, lahat yata ng tao, ang kinukumusta ‘e kung anong nangyari kay Jaybee Sebastian.

Kasunod niyan ay nagpa-press conference ang tila napa-praning na si Senadora Leila De Lima.

Nagsisisigaw na parang hindi na nag-iisip at sinabing ang naganap na kaguluhan sa Bilibid ay para ibintang sa kanya.

093016-jaybee-sebastian

Sa mga pinag-aarte ni Senador De Lima, mas lalo tuloy natin naisip na dapat busisiing mabuti ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang nasabing insidente.

Ano ang nasa likod ng tangkang pagpaslang kay Jaybee Sebastian?!

Sino ang may pakana nito?!

Alalahanin natin na ipinatatawag na ng Kamara si Jaybee para magbigay ng kanyang pahayag kaugnay sa sinasabing siya ang ‘king of drug lords’ sa loob ng Bilibid at kung paano siya nangalap ng pondo para sa kampanya ni De Lima.

Mayroon CCTV diyan sa Building 14, dapat makita ng publiko kung ano ang katotohanan?

Anyway, dahil hindi naman natin papel ‘yang imbestigasyon sa na-sabing insidente, hintayin muna natin ang opisyal na ulat ng PNP-CIDG.

Pansamantala, let’s keep our mouth shut and let out social media wall or timeline ‘clean’ from any ‘nasty’ or judgemental comments or posting regarding the incident. Let’s wait and see…

THANK YOU, MADAM
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR SANTIAGO

093016-miriam-defensor-santiago

“I have no illusions about myself, about my life, about leaving a legacy, or making a mark on people’s lives. We are so insignificant. We are only here for a blink.”

Isa ‘yan sa mga pamosong linya ni Madam Senator Miriam Defensor-Santiago.

Hindi natin nalilimutan kung paano pumalakpak ang sambayanan kapag nagbibitaw ng kanyang mga linya ang Senadora. Patok na patok, hindi nalilimutan at matagal na panahong nagmamarka sa publiko.

Kahapon ng umaga, pumanaw na ang Senadora sa edad 71 anyos. Sa gitna ng mga kontrobersiya ngayon na naghahati-hati sa sambayanan, nagkaisa ang bansa na ipagluksa ang kanyang pagyao.

Nakikiramay ang inyong lingkod sa pamilya ng sabi nga ‘e, “the president that we never had.”

Matagumpay at punong-puno ng karangalan ang academic life ng Senadora hanggang pumasok siya sa politika.

Noong 1995, unang naging Senador si Madam Miriam, at halos lahat ng batas at panukalang batas sa kasaysayan ng bansa ay kanyang iniakda.

Tumakbo siyang pangulo ng Filipinas noong 1998 ngunit nadaya ‘este nabigo.

Siya ang pinakaunang Filipina na nahalal bilang judge sa International Criminal Court na nakabase sa The Netherlands noong 2011.

Pero nagbitiw nang ma-diagnose na may chronic fatigue syndrome na kalaunan ay natuklasan na dahil sa lung cancer.

Noong Oktubre 13, 2015, ipinahayag ni Santiago ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Filipinas para sa 2016 elections makaraan ideklara ng kanyang mga doktor sa US na stable na ang kanyang kalusugan at negatibo na sa cancer.

So long our dear senator, a stateswoman and one of the greatest presidents that the Filipino people never had…

NAKAWAN SA NADAKIP NA 154 CHINESE
NG IMMIGRATION SA CLARK
(ATTN: SOJ VITALIANO AGUIRRE)

082316 angeles visa immigration passport

Dapat paimbestigahan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Bong Morente at OIC for BI-Intel Charles Calima ang hindi pa nabubunyag na anomalya sa nakaraang operation sa Clark Pampanga na nakasakote ng 154 Chinese nationals na sangkot sa online gaming.

Ano ito?!

Ano pa kundi ang nakawan ng LAPTOPS at CELLPHONES na nakuha sa mga tsekwang nahuli sa nasabing operation!

Wattafak?!

Sinasabing sandamakmak na mga bagong laptops at mobile phones ang naeskoba ‘este kinompiska noong kasagsagan ng operation ng BI Intel group sa Clark.

Inipon at ini-account to be used as additional evidence kuno?!

Nagbigay pa raw ng babala si T/A for intelligence Ed Chan na huwag na huwag gagalawin ang ano mang makukuhang ebidensiya sa site para  hindi mabahiran ng anomalya ang nasabing operation.

Pero iba naman ang nangyari. Mukhang natakawan daw ang karamihan sa mga hao-shiao ‘este’ confidential agents na kasama sa operation kaya nang malingat si Col. Chan ay nagkanya-kanyang ‘harbat’ at ‘nakaw’ na parang mga gutom na timawa?!

Pakengsyet!!!

Ang mission order ay para manghuli ng illegal alien at hindi para kumuha ng gamit ng mga tao!

Identified umano ang mga pangalang, BRANZUELA, FABROS, FELINA, AGUSTIN at iba pa sa nasabing dugasan blues?!

Ang iba sa kanila ay nagawa pang mangantiyaw sa mga organic na Intel Officers at Agents dahil mahinang klase raw hindi gaya nila na malalakas ang loob!

Malalakas ang loob o makakapal ang mukha?!

Pakengsyet!!!

Ang mga nasabing pangalan ay dati umanong job orders as in J.O. sa Bureau na nagawang maging confidential agents noong panahon ni former BI-Commissioner Ronaldo Geron.

Commissioner Morente and General Charles Calima, I guess there should be an urgent investigation concerning this incident!

Papayag po ba kayo na magkaroon ng mga itlog na bugok ang BI sa katauhan ng mga nasabing hao-shiao o CA?!

HINAING NG VENDORS VS MTPB
(ATTN: YORME ERAP)

MAGANDANG gabi, nais ko pong idulog sa inyo ang problema namin sa Divisoria. Araw-araw po kaming binubulabog ng MTPB at mga tauhan ni Sencio Lagamayo. Isang buwan na po kaming hindi makapaglatag nang maayos, nagpunta si MTPB head Dennis Alcoreza sa Divisoria. Sabi po niya wala na kaming babayaran kundi city hall lang po, dapat din namin sundin ang mga sasabihin ni Sencio Lagamayo na wala naman pong posisyon sa aming barangay. Ngayon po, nagpa-meeting c Sencio Lagamayo at sinabi nya na kailangan namin magbayad ng halagang P100 pesos kada isang metro para makapagtinda kami nang maayos. Hindi pa po kasama ang P40 para sa hawkers at 50 pesos para sa organizer. Sana matulungan n’yo po kaming vendors. Hirap na po kami hindi kami makapaghanap buhay ng maayos. Hindi ko po alam kung alam ni Mayor Erap ang nangyayari. -Concern Citizen of Ylaya.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *