Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven, lumabas ng PBB para sa inang maysakit

SA pagsubaybay natin sa PBB Season 7, para na rin tayong sumusubaybay ng isang teleserye. Marami ring drama at iyakan sa loob ng Bahay Ni Kuya. Ang latest ay ang paglabas ni Heaven dahil gusto niyang samahan ang kanyang ina na naka-confine ngayon sa isang ospital.

Maselan ang lagay ng nanay ni Heaven kaya  gusto niyang makasama ito. Okey na si Heaven sa kapwa niya housemates ngayon (noong araw kasi ay labis na naaartehan ang kasamahan niya sa kanya lalo na ang mga girl) kaya nakahihinayang kung ngayon siya lalabas.

Kung sabagay, kasama naman siya sa tatlong nominado for eviction along with Kisses and Christian kaya ipagpalagay na lang natin na siya ‘yung na-evict.

Si Heaven  lang ang nagsisilbing “shining armor” ng kanyang nanay sa tuwing nagkakasakit siya kaya kaysa unahin ang kapalaran sa showbiz ay pinili ni Heaven na samahan ang kanyang ina sa ospital.

Bago umalis ng Bahay Ni Kuya si  Heaven ay nagpunta ang ilang miyembro ng Hashtags at nalamang may unawaan na pala sina Heaven at si Paulo ng Hashtags bago napasok ang dalaga sa PBB.

Humanga ako kay Heaven. Mas inuna niya ang kapakanan ng kanyang inang maysakit.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …