Saturday , November 23 2024

Digong sumablay “I am very sorry.”

Humingi ng paumanhin mga ‘igan si Ka Digong Duterte kina Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., Pangasinan Provincial Administrator Rafael Baraan at Pangasinan Board Member Raul Sison, nang madawit ang mga pangalan sa drug matrix ng Bilibid drug syndicate.

Sa isinumite umanong narco-list kay Ka Digong mga ‘igan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP), may konti umanong lapses ‘ika nga. Bagamat may kung ilang beses na umanong na-validate. Ngunit, ano’t ano man ang nangyari, buong pusong inako ni Ka Digong ang responsibilidad sa pagkakamali.

Kaya’t hayun…super sorry ang ating Pangulo. Saanmang lupalop makarating at kahit na sinong Poncio Pilato ang magsampa sa kanya ng kaso, aba’y handing-handa umano si Ka Digong harapin ang lahat, lalo na ang nangyaring pagkakamaling pagkakadawit ng ilang pangalan ng opisyal ng gobyerno na sangkot o protektor umano ng illegal drugs syndicate.

Sa pagkakataong ito mga ‘igan, marami ang humanga sa paghingi ng paumanhin ng ating Presidente sa kanyang pagkakamali. Ngunit ang naging usapin dito, “the damage has been done.” Kung baga, nagawa nang sirain ang iyong pagkatao, napinsala na. Ano pa nga ba ang halaga ng ‘sorry’ ‘ika nga?

Sa ginawang paghingi ng sorry ni Ka Digong sa inakong pagkakamali, maraming katanungan ang namutawi sa bibig ng taongbayan… “Mag-sorry din kaya ang Pangulo sa mga napatay  ng ‘ligaw na bala?’ Mag-sorry din kaya si Ka Duterte sa mga biktima ng ‘mistaken identity?’

Aba’y, ewan natin ‘igan…

Sa kabilang banda mga ‘igan, dahil na rin sa todo-todong kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot, may mga inosenteng tao, maging inosenteng bata ang namamatay dahil sa mga ligaw na bala tuwing may police anti-illegal drugs operation sa isang lugar. Kaawa-awa rin naman ang mga taong napagkakamalan lamang. Napagkakamalang drug addict o drug pusher.

Sa mga pamilya ng mga inosenteng biktima ng karahasan, magso-sorry din kaya si Ka Digong? Ngunit mga ‘igan, mag-sorry man si Presidente, aba’y wala na rin saysay. The damage has been done.” Patay na ang mga biktima, hinding-hindi na muling maibabalik pa ang buhay ng mga napaslang.

Aanhin pa nga ba ang sorry…‘di ba ‘igan?

So mga ‘igan, huwag padalos-dalos, ‘ika nga, “mag-isip-isip pag may time!”

TIWALING BARANGAY

OFFICIALS SIBAKIN

Lintek na barangay officials sa Pandacan mga ‘igan! Aba’y ubod nang kapal umano ng mukha!

Nagsadya sa ating tanggapan si Puregold Kalentong Operators Drivers Association (PKODA) President Louis D. Ledesma upang personal na ireklamo ang kanilang barangay chairman at ang kapatid na barangay kagawad sa nasabing barangay sa Pandacan.

Ayon kay PKODA President Ledesma, grabe na ang katarantaduhan ng magkapatid na opisyal ng barangay, na sapilitang humihingi ng butaw o payola sa hanay ng tricycle drivers gamit ang kanyang pagbabanta sa buhay ni PKODA President Ledesma. Kung hindi umano magbibigay ng sinasabi nilang butaw (kada araw) ay hindi na sila makapaparada pang muli sa nasabing Puregold!

Pero teka mga ‘igan, kaninong bulsa ba ang tuloy ng butaw/payola na kinokolekta? Sa maboboteng kamay ba? Aba’y kung ang sinasabing pampasuweldo sa mga barangay tanod, sus may nakalaang budget sa mga ‘yan ang mismong barangay. At anong karapatan ng mga tiwaling barangay official na suspindihin ang namumuno sa isang organisasyon tulad ng PKODA? Aba, aba, mga ‘igan, kung may katotohanan ang sumbong na ito kay Bato-Bato Balani, aba’y tamaan sana kayo ng kidlat nang hindi na pamarisan pa!

Abangan ang mga kawalanghiyaan ni chairman at ni kagawad sa barangay…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *