Sunday , December 22 2024

QCPD chief: Tuloy ang giyera vs droga

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa ilang pulis na tumutulong sa Quezon City Police District (QCPD)sa pagsugpo ng droga sa lungsod partikular na sa Salaam Mosque Compound.

Apat na pulis, hindi sila nakatalaga sa QCPD kundi sa Kampo Crame, ang pinag-initan ng pinaniniwalaang sindikato ng droga. Pero mabuti na lamang at walang namatay sa kanila, lamang, malubhang nasugatan makaraang tamaan ng shrapnel ng granada matapos silang hagisan ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo “riding-in-tandem.”

Hinagisan ng Granada ang apat at tatlo pang sibilyan habang sila’y nagbabantay sa gate ng Salaam Mosque Compound sa Tandang Sora, Culiat, Quezon City. Nasa gate ang mga biktima bilang “force multipliers” sa pagsugpo ng droga sa compound.

“Tumutulong ang mga pulis na ‘yan kahit hindi sila taga-QCPD. Sila ay mga kapatid din nating Muslim na residente sa lugar at gusto nilang masugpo ang talamak na tulakan ng droga sa Salaam,” pahayag ni QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Sa nangyaring insidente, naniniwala si Eleazar, na ang sindikato ng droga na nagbabagasak ng droga  sa Culiat at Tandang Sora  ang nasa likod ng krimen.

Nasabi ni Eleazar ito dahil sa magkakasunod na isinagawang  operasyon o pagsalakay  ng kanyang mga tauhan sa Talipapa Police Station 3 sa kuta ng mga drug pusher sa Salaam Mosque Compound sa tulong ng sinasabing force multipliers sa lugar.

Halos linggo-linggo ang isinagawang pagsalakay sa mga drug den sa nasabing compound na nagresulta sa pagkakaaresto nang mahigit isang daang tulak at gumagamit. Bukod pa sa mga nakumpisang shabu na nagkakahalaga ng daang libo rin.

Nagawang salakayin ng PS 3 ang lugar dahil sa pagkikiisa ng mga lider sa compound na sumusuporta sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Pero sa nangyaring insidente, naniniwala si Eleazar na gumaganti ang sindikato.

At isa lang ang ibig sabihin nito. Nasasaktan at nararamdaman na ng sindikato ang kampanya laban sa droga.

Ano pa man, anang opisyal na ang insidente ay hindi magiging sagabal sa kampanya ng QCPD laban sa droga.

“Tuloy at walang mababago sa kampanya ng QCPD laban sa droga. Nararamdaman na nila ang giyera laban sa droga kaya, desperado na sila. Pero kung inakala nila’y matitinag nila ang pulisya, nagkakamali sila dahil lalo pa namin paiigtingin ang labanan,” pahayag ni Eleazar.

Kasabay nito, inalerto pa rin ni Eleazar ang kanyang mga opisyal at tauhan na paigtingin ang kampanya laban sa droga. Pinaiingatan din ni Eleazar ang kanyang mga tauhan sa bawat isasagawang operasyon.

“Desperado na ang mga sindikato dahil talagang malaki na ang nawala sa kanila,” dagdag ni Eleazar.

Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon at paniniktik ang QCPD para sa pagkakakilanlan ng mga salarin at madaliang pagkaaresto.

“Tuloy ang laban,  walang puwedeng makapigil sa kampanya ng QCPD laban sa droga bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Duterte,” pahayag ni Eleazar.

Personal na dinalaw ni Eleazar sa ospital ang mga sugatang pulis at pinasalamatan sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kampanya laban sa droga.

Paulit-ulit na sinabi ni Eleazar na walang mababago sa kampanya ng QCPD laban sa droga.

Aniya, gagawin pa rin nila ang lahat para sa mamamayan ng lungsod.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *