Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, aminadong ‘di pa financially stable sa Tate

INAMIN ni Janine Tugonon na hindi pa talaga siya financially stable ngayon sa New York bilang model. Kakaba-kaba siya kung makababayad raw ba siya ng renta sa kanyang inuupahan the next month.

Sayang dahil abot kaya na sana ni Tugonon ang korona bilang ikatlong Pinay Miss Universe dahil silang dalawa na lang ni Miss USA Olivia Culpo ang nag-face off noong Miss Universe 2012. Pero gaya ng matagal na nating alam, naging first runner-up lang si Janine.

Year 2013 nang magdesisyon ang Pharmacist turned beauty queen na mag-stay sa LA para ipagpatuloy ang kanyang modelling career.

Pero sa ngayon, nasa New York na siya at mukhang umaalagwa na ang career bilang model dahil ang latest kay Janine, kinuha siya ng sikat na brand na Victoria’s Secret at alam n’yo naman, kapag  gumawa ng fashion event ang sikat na brand, nakawiwindang talaga. So, excited na tayong makita si Janine na rumampa sa VS.

Noong kapapanalo pa lang ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, may isang event na magkasama ang dalawa pero ‘di na yata nasundan ‘yun.

Maraming raket si Pia sa US bilang Miss Universe, sana tulungan niya si Janine. Sana kung may kumuha sa kanya ay i-emote niya si Janine tutal magkaibigan naman sila noon pa man.

Itong pagkasali niya sa Victoria Secret ay isang malaking hakbang upang makilala siya bilang isang sikat na modelo.

Marami ng Pinay ang gumawa ng pangalan sa US like Ana Bayle, Melanie Marquez at kung sino-sino pa, sana mapansin na talag si Janine dahil three years na rin siya roon ‘di ba? Twenty six years old na rin siya , eh alam naman natin sa modelling na sikat ka lang kapag bata ka unlike sa acting na kahit uugod-ugod ka na, kapag keri mo pang umarte ay talagang hindi ka mawawala sa limelight.

Anyway, goodluck Janine at kaunting push pa ng iyong agent para maabot na ang tagumpay.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …