Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kulungan ng MPD Daig pa ang sardinas!

NABABAHALA na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa nagsisiksikang mga detainee sa kanilang mga kulungan.

Kaya naman umaapela si MPD district director SSupt. Joel Coronel sa Regional Trial Courts (RTCs) sa Maynila na madaliin ang usad ng kaso ng mga detainee sa lungsod.

Grabe na ang congestion (siksikan) ng mga preso sa mga kulungan ng police stations at police community precincts.

070316 MPD

Kung tubig lang ang mga preso, apaw na apaw po sila sa kanilang kinalalagyan.

Halos lampas 60 posiyento ang congestion ng mga selda sa mga presinto at mapaluluwag lang ito kung maililipat na ang ibang detainee sa city jail.

Pinangangambahan na magkaroon ng epidemya sa mga kulungan dahil maraming detainee ang nagkakasakit sa sikip ng kulungan.

Hihintayin pa ba ninyo na may mangamatay sa mga kulungan ng MPD?!

ANO BANG MERON SA IMMIGRATION
BATANGAS FIELD OFFICE!?

092516-immigration-batangas

Mayroong mga nagtatanong kung bakit tila nagri-rigodon lang ang mga nagiging Alien Control Officer (ACO) diyan sa Bureau of Immigration Batangas field office?

Ilang administrasyon at commissioners na ang lumipas pero pero kung hindi naigagarahe panandalian ay naibabalik din ang mga dating nakapuwesto riyan?!

Sabi tuloy ng iba, “wala na raw bang may alam ng trabaho or operations diyan at pabalik-balik na lang ang mga nagiging ACO sa Batangas?!

Sana naman daw ay bigyan ng pagkakataon ‘yung iba na makapuwesto roon at nang mawala ‘yung mga nakapagdududang connivance or tarahan kung mayroon man nangyayaring ganyan!

Ano raw ba kasi ang meron sa Batangas Port at tila ‘pinagkakamatayan’ ang mapuwesto riyan?

I really doubt kung ‘yung masarap na isdang pinangat, bulalo, lomi at gotong Batangas ang nami-miss ng isang ACO na balik-opisina ngayon diyan.

Kung ‘yun man talaga…

Tell that to the Marines, oyyy!!!

MEDIA KAKAMPI NA
SI PRESIDENTE DUTERTE

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang masusugid na tagasuporta na huwag gipitin, takutin, bantaan o i-bully ang media.

Lagi kasing nangyayari ‘yan sa social media.

Katunayan madalas na nagkakapalitan ng maaanghang na salita ang ilang miyembro ng media at iyong mga binansagan nilang Dutertards (excuse me po).

Ang ipinagtataka lang nga natin dito, bakit kailangan magkainitan ang magkabilang panig?!

Kung parehong sa kapakanan ng bansa ang layunin ng isa’t isa bakit kailangan magbangayan sa social media?

Anyway, umaasa tayo na maglulubay kung hindi man tuluyang mawala ang ganyang pangyayari sa social media.

Huwag po nating hayaang pasukin tayo ng mga grupo o puwersang ang intensiyon ay wasakin ang pagmamalasakit ng mga sinserong tao.

Let us unite against illegal drugs and other forms of criminality.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *