Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-GF ng utol ni Bistek nawawala (Mercedes Benz natagpuan)

MAHIGIT isang linggo nang nawawala ang dating live-in partner ni Quezon City Councilor Hero Baustista na si Rio April Santos.

Ang ina ni Santos na si Gng. Emiliana Santos, ay humingi ng tulong sa pulisya at kay QC Mayor Herbert Bautista para matagpuan ang anak.

Ayon sa ulat, nagtungo si Gng. Santos sa tanggapan ni Q.C. Police District Director Guillermo Lorenzo Eleazar upang magpatulong kaugnay sa nawawala niyang anak na huling nakita noong gabi ng Setyembre 12.

Kuwento ni Gng. Santos, nagpaalam sa kanya ang anak na si Rio na lalabas mula sa kanilang condominium unit sa Eastwood para bumili ng tubig at may katatagpuin na isang “major.”

Mula noon ay hindi na nakabalik si Rio at hindi na rin makontak ang cellphone.

Nawawala rin aniya ang kotse ng biktima na isang Mercedez Benz.

Ayon kay Eleazar, aalamin nila kung sino ang posibleng “major” na nabanggit ng ina ni Rio.

Gayonman, inihayag ng opisyal ng QCPD, matagal na nilang natutunugan ang pangalan ni Rio April na gumagamit ng ilegal na droga.

Matatandaan, naka-leave sa pagiging konsehal ng lungsod si Hero para magpa-rehab makaraan lumabas sa drug test na positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Gng. Santos, matagal nang hiwalay sina Hero at Rio ngunit nananatiling maayos ang relasyon ng dalawa dahil mayroon silang isang anak.

MERCEDES BENZ NATAGPUAN

NATAGPUAN na ang Mercedes Benz ni Rio Santos, ang nawawalang live-in partner ni Quezon City Councilor Hero Bautista, kahapon sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni  Quezon City Police District (QCPD) Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nakita ang sasakyan sa parking lot ng isang kilalang fastfood chain sa Brgy. Libis, Quezon City.

Ayon kay Eleazar, ang nasabing sasakyan na may plakang PJW- 727 ay minabuting ipaalam sa QCPD Eastwood Police Station 12 ng pamunuan ng establisimiyento dahil noon pang Setyembre 12, 2016 ito iniwan sa parking lot bukod sa napaulat kamakalawa ang hinggil sa pagkawala ni Santos gamit ang sasakyan.

Dagdag ni Eleazar, nakilala na pag-aari ni Santos ang sasakyan base sa police blotter kaugnay sa pagkawala ni Santos noong  Setyembre 12, 2016.

Dumating na sa lugar ang magulang ni Santos at kinompirmang ang sasakyan ang gamit ng kanilang anak nang mawala si Rio.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …