Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samahang KathNiel, walang peke kaya tinatangkilik

WALANG kapagurang paghayo.

Here and abroad naman ang larga ng magsing-irog na Kathryn Bernardoat Daniel Padilla para sa patuloy na paghakot ng kita sa takikyangBarcelona: A Love Untold na idinirihe ni Olive Lamasan.

Ang maganda sa tandem ng KathNiel, sa mula’t mula, hindi bumitiw ang mga tagahanga nila at nadaragdagan pa nga. Kaya ang KDKN Solidarity Community eh nag-celebrate ng kanilang five years with an Appreciation Night for the Press, too!

Kami ang nagugulat dahil kaliwa’t kanan at sunod-sunod ang pa-block screening ng bawat kulupon ng mga tagahanga nila para lang maibahagi ang pelikula ng kanilang mga idolo na ang gastos eh straight from their own pockets.

Hanggang sa international scene rampa sina KathNiel sa dinaluhan nilang screening sa Malaysia.

Ang hinanakit lang ng fans nang makausap namin ang isa sa supporters nila na si Tita Long eh, ang mga miyembro ng ibang fan clubs ng ibang artists na buma-bash sa kanila sa mga paraan ng pagpapalaganap nila saBarcelona.

Maski na deadma ang kanilang mga idolo sa mga hindi totoong sinasabi about their movie at sa kita nito, sige lang sina Kathryn at Daniel sa pagbibigay importansiya sa kanilang mga tagahanga.

Hindi pa rin tuwiran at tahasang nagmumula sa bibig ng dalawa ang level ng kanilang pagtitinginan. Pero sa interviews nila maraming giveaway na sagot na sa mga pahayag ni Daniel.

Kaya, hindi na kataka-taka na lalo pang kumita ang pelikula nila. Dahil ang taal na tagahanga nanamnamin to the nth degree ang torrid kiss ng KathNiel on screen! Kaya paulit-ulit nila itong pinanonood. Kaya bakit ipagtataka kung madaragdagan ang kita?

Kayo naman! Kaya ito kumikita, walang peke sa kanila. Kaya kahit iba ang karakter nila, naku-connect at lumalabas ‘yun onscreen.

Gawa na lang uli kayo ng movie ng idols niyo! Yung ‘sing tino naman nito!

Ang dami pa nilang screenings abroad. Na sana nga eh, kayanin nilang puntahan lahat! Hayo to the max!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …