LUMULUSOT lang ba si dating justice secretary at ngayo’y senadora Leila De Lima o siya ay naghahalusinasyon na?
Itinatanong natin ito dahil nagulat tayo sa kanyang rebelasyon na asset ng ‘gobyerno’ ang tinaguriang king of the drug lords na si Jaybee Sebastian.
Asset ba siya as in katulong ng gobyerno laban sa droga?!
Asset ba siya para sa ‘pitsaan?’
O asset ba siya para sa ‘pangangailangan’ ni Madam Leila.
Wala na tayong makitang pagkakaiba nina Edgar Matobato at Madam Leila.
Parehong paiba-iba ang kanilang mga statement at pasulpot-sulpot sa kanilang bibig ang kung ano-anong naiisipan.

Gusto rin natin alamin, bahagi ba ng pagiging asset ni Sebastian ang pagnenengosyo ng shabu sa loob ng National Bilibid Prison (NBP)?
Hindi na natin maunawaan kung anong mayroon sa nakaraang administrasyon at bakit nila kailangan gumamit ng mga taong gaya nina Matobato at Sebastian.
Heto pa ang isa, in fact na inamin ni Madam Leila na asset si Jaybee, nangangahulugan ba ito na totoong pinag-produce niya ng milyon-milyones at bilyon-bilyong kuwarta para sa kanyang pondo sa pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon?!
‘Yan bang bilyon-bilyong salapi na ‘yan ang ginamit nila para hindi na malaglag at maipako na sa ika-12 puwesto si De Lima kahit mahigpit ang laban nila ni Francis Tolentino?!
Ano kaya ang tamang itawag sa ganito?
Tama bang sabihin na si Senadora Leila ay ‘pinagpapala’ ng king of the lords sa Bilibid?
Pakisagot na nga!
ILLEGAL PARKING LILINISIN DAW
NI MTPB CHIEF DENNIS ALCOREZA?

Gustong-gusto ng inyong lingkod ‘yan.
Linisin ang illegal parking na nagpapasikip sa daloy ng mga sasakyan.
Ipinagmamalaki ni MTPB chief Dennis Alcoreza na nilinis na nila ang Quiapo, Sta. Cruz, Avenida, Blumentritt at iba pang lugar na talamak sa masikip na trapiko.
Ang tanong: bakit hanggang ngayon may illegal terminal pa rin sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila?
Hindi ba nakikita ni MTPB chief Alcoreza ang illegal terminal na ‘yan?
O ayaw lang niyang tingnan?
‘Yan ba ang dahilan kung bakit laging bumibisita sa opisina ni Alcoreza ang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?
Gaano kaya kadalas ang mga minsang pagbisita ng reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?!
‘Yan daw, mga minsang pagbisita na ‘yan ay naghahatid ng ngiti at pamimilog ng umiikot-ikot na mata ni MTPB chief?!
Parang, boteng umiilaw daw ang mga mata ni MTPB chief kapag dinadalaw ng reyna ng illegal terminal?!
Magkano ‘este ano kaya ang dahilan?!
Sino kaya ang sasagot?!
PAYAPA NA ANG KALOOBAN SA DAVAO

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com