Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Desisyon ng FAP, inirerespeto ni Charo (Sa ‘di pagkapili ng Ang Babaeng Humayo para sa Oscar)

NAGING maugong ang Oscar buzz para sa pelikula ni Lav Diaz, ang Ang Babaeng Humayo matapos itong mag-uwi ng Golden Lion award sa katatapos na 73rd Venice Film Festival.

Subalit ang pelikula ni Brillante Mendoza na Ma’Rosa ang naging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng 89th Academy Awards na magaganap sa February 2017.

Kaya naman natanong si Charo Santos, bida sa Ang Babaeng Humayo noong presscon nito kung ano ang naramdaman niya nang hindi mapili ang kanilang pelikula ni Diaz sa Oscar.

Ani Charo, nirerespeto niya ang naging desisyon ng FAP (samahan na pumipili ng pelikulang ipadadala o isasali sa Oscar). “Siyempre it would have been great if our film was chosen pero iba-iba ang panlasa ng tao, eh, iba-iba ang panlasa natin and you accept that.”

“May pagka-philosophical kasi ‘yung tingin ko sa buhay, eh, kung nauukol, eh ‘di, okay. Kung hindi naman, just go with the flow and move on and we should just all be happy for ‘Ma’Rosa.’

Sa Ma’Rosa nanalo si Jaclyn Jose ng Best Actress award sa 68th Cannes Film Festival na ginanap noong May 2016.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …