HINDI pala sapat ang sikat na young actress, para maipalabas sa iba’t ibang theaters ang indie movie nila ng premyadong aktres na pinag-usapan pa naman sa katatapos na film festival.
Yes ayon sa ating impormante, walang interesadong booker sa pelikula at dalawang sinehan lang sa metro at probinsya ang tumanggap sa kanila kaya sa mga nasabing sinehan lang ninyo mapapanood ang controversial movie.
Well, ang rason raw kung bakit umayaw ang mga booker, kasi alam nilang magpa-flop ang pelikula at malulugi ang producer at ang sinehang pagpapalabasan nito.
Saka sobrang lakas ngayon sa takilya ng Barcelona: A Love Untold nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. As of press time, sa loob lamang ng limang araw ay kumita ang KathNiel movie ng P130 milyon at nadagdagan pa ang kanilang sinehan nationwide.
Dinudumog rin ang Star Cinema movie sa bansang Malaysia at Hong Kong. Tapos extended ang showing ng Train To Busan so, etsapuwera na nga ang indie film ng naturingan pa namang big star ng industriya.
I feel sad for her gyud!
HUSAY NG PERFORMANCE NI SYLVIA SANCHEZ
SA “THE GREATEST LOVE,” AT MGA CO-STAR
PINUPURI SA SOCIAL MEDIA
Perfect choice nga si Sylvia Sanchez sa karakter na ginagampanan ng aktres sa “The Greatest Love,” bilang Gloria na kayang gawin at isakripisyo ang lahat alang-alang sa kanyang apat na anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Aaron Villaflor), at Liezel (Andi Eigenmann).
Sa mga nabanggit na anak ay tanging si Lizelle lang ang kasama ni Gloria sa bahay dahil may kani-kaniyang buhay na ang iba niyang kapatid. Isang lihim ang susubok sa magandang samahan ng mag-ina (Gloria at Lizelle) dahil hahanapin ng dalaga ang kanyang tunay na ama, na itinago ni Gloria sa anak dahil ayaw niya ng gulo.
Sobrang husay ni Sylvia sa eksena nila ni Andi noong pinaaamin siya kung sino ang kanyang totoong tatay. Sa katunayan umani ng papuri ang award winning actress sa social media sa nasabing performance na mapapanood ninyo tuwing hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Doble Kara.
Samantala dahil sa malaking tagumpay ng melodrama TV series sa ilalim ng unit ni Ma’am Ginny M. Ocampo at direksyon ni Jeffrey Jeturian ay nagkaroon ng Thanksgiving Mass ang buong cast at TGL Team at GMO.
JAKE VARGAS PASOK NA SA WEEKLY
FINALS SA CHALLENGE ACCEPTED:
SCUBA DIVE-OKE WITH SELFIE
Last Monday, parehong humarap sa bagong hamon sa “Challenge Accepted” sa Eat Bulaga na Scuba Dive-oke with Selfie sina Jake Vargas at Jeric Gonzales na parehong nasa cast ng bagong afternoon serye sa GMA-7 na “Oh My Mama.”
Si Jake, ang nagwagi sa naturang challenge kaya’t pasok na ang Kapuso actor sa weekly finals ng Challenge Accepted ngayong Sabado sa Broadway Studio. Kahapon ay sina Tuesday Vargas at Love Anover naman ang humarap sa challenge at in fairness, parehong entertaining ang performance ng dalawa kaya nahirapan ang judges kung sino sa dalawa ang idedeklarang winner.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma