Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilalang personality, tinakbuhan ang mga inutangan

HATAW kung hataw! Ganito raw ang ginawa ng isang kilalang personality nang mamalagi sa Amerika kamakailan. Humataw nang humataw sa kauutang dahil nga mayroon namang kakilalang nag-guarantor sa kanya para makahiram ng halagang $15,000.

Dahil kilala ang personalidad kaya kampante ang nagpa-loan ng pera sa kanya. At kilala rin naman ang nag-guarantor for him. Ilang panahon pa lang itong namamalagi sa bansa ni Uncle Sam although balik-balik na sila ng pamilya niya sa nasabing bansa.

Lumagay na rin kasi sa tahimik ang personalidad. At ang alam nga ng mga nasa ‘Pinas eh, doon na ito mamamalagi dahil namalaam na nga ito sa career niya sa bansa dahil pakiwari niya eh, wala namang pumapansin sa kanya rito.

Pero ngayon, ipinagtatanong na raw ng inutangan nito his whereabouts. At ang naiipit nga eh, ang nag-guarantor sa kanya sa nasabing loan. Nagbayad naman daw ito ng halagang $1,400.00 pero siyempre kailangan ang buong halaga ang ibalik niya.

Mukhang ang guarantor pa niya (na kilala ring personalidad ang maybahay) ang madedemanda sa nasabing kaso. Pero gusto pa rin ng mga tinakbuhan niya, dahil na rin daw sa mga nagtalbugang tseke ang habulin pa rin siya kahit ang balita eh, nakauwi na siya rito sa bansa.

Ang gusto lang naman ng mga inutangan niya eh, harapin niya ang problema at makipag-usap. Hindi na raw kasi ito ma-contact.

Dito naman sa homefront, agad na kumalat ang balitang nahiwalay na ito sa misis na tatlong beses pa raw ikinasal sa US of A. At bukod sa financial problems eh, naparatangan pa itong manloloko ng kanyang pinakasalan.

Saan ba ginamit ang ganoong halaga. Na kung tutuusin ‘di naman kalakihan. Sa ginanap bang ilang beses na pagpapakasal? Sa luho?

Whatever happened to this guy? What did the Bible say?

Ang maganda, harapin na lang ang problema. Para wala ring ibang masira!

( Pilar Mateo )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …