Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jason, Juan Karlos at Klarisse, magsasama-sama sa One Voice

MAGSASAMA-SAMA ang tatlo sa itinuturing na magagaling na produkto ng The Voice of the Philippines para sa isang konsiyerto, ang One Voice.

Ang tatlong tinutukoy namin na magpaparinig ng mga world-class music at hard hitting performances ay sina Klarisse de Guzman, Juan Karlos, at Jason Dy para sa One Voice concert sa October 1, na gaganapin sa Music Museum.

Kung ating matatandaan, parte ng The Voice first season si Klarisse na nagpakita ng full vocal prowess na nagbunsod sa kanya para makasama sa finals. Mula nang maging first runner-up ay malayo na ang narating ni Klarise kasama na ang pagkakaroon ng concert noong August 2014 kasama na ang pag-top sa chart ng mga hits at covers.

Graduate naman ng The Voice Kids si Juan Karlos noong 2014 na naging top-3. Ang kanyang kaguwapuhan at kakayahang umarte ang naging daan niya para mabigyan ng TV appearances sa ilang teleserye ng ABS-CBNtulad ng Hawak Kamay at Pangako Sa ’Yo.

Pinatunayan naman ni Jason ang galing nang magwagi sa second season. Paborito siya ng karamihan na hindi naman nakapagtataka dahil tunay na magaling siyang singer. Hinahangaan kay Jason ang  kanyang magandang pag-falsetto at emosyon sa mga kantang inaawit.

Ang One Voice ay ipinrodyus ng Hills and Dreams at ang musical direction ay mula kay Marvin Querido at ididirehe ni Frank Lloyd Mamaril. Ito handog ng Jet 7 Bistro, Fernando’s Bakery, Lancer’s Hardware, Garage P., FLM Creatives at Productions Inc. and 10 Inch Lights and Sounds. Sa pakikipagtulungan ng Silka, Circulan, Montosco, at Happy Scrub.

Para sa ticket bisitahin ang Ticketworld outlets o tumawag sa 891.9999.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …