Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, pahinga muna sa pagpo-pose ng sexy

HINDI muna priority ni Jennylyn Mercado ang pagpapasexy. Ito ang iginiit ng aktres sa launching ng kanyang ikaanim na album mula Ivory Music & Video, ang Ultimate.

Sinabi kasi ni Jen na ayaw na niyang mag-pose sa anumang men’s magazine at pahinga muna siya.

At nang tanungin kung kaninong artista niya ipapasa ang titulong Sexiest Woman, ito’y kina Coleen Garcia at Arci Munoz.

Ani Jen, tila akward na para sa kanyang edad at estado ang magbuyangyang ng katawan bagamat napaka-sexy pa rin naman niya sa totoo lang.. ”Siyempre, nanay na rin ako, lumalaki na rin si Jazz (anak niya), so, siguro huwag na lang muna.”

Ayaw namang pag-usapan ng Kapuso actress ang relasyon nila ni Dennis Trillo bagamat inaming niyang magkasama sila nito noong weekend nang  mag-scuba diving. Nakiisa raw kasi sila sa clean-up drive ng Philippine Coast Guard sa Mabini, Batangas.

Malaki naman ang pasalamat ni Jen sa mga sumuporta sa digital version ng kanyang album na Ultimate dahil wala pang 24 oras mula nang i-release ito online ay nag-number one agad sa iTunes.

Available na ito sa mga record bar nationwide at iba pang online store tulad ng Spotify, Deezer, Spinnr, at Amazon.

Naglalaman ng pitong tracks ang album na isinulat ipinrodyus ni Jonathan Ong. Kabilang na rito ang version nila ni Christian Bautista ng  Suddenly, ang carrier single na Hagdan,  Magkaibang Mundo, Huling Paalam,Nakaw-Tingin, at  Bulalakaw (tampok ang Silent Sanctuary).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …