Friday , November 22 2024

Hiling na extension vs drug war ni Digong dapat suportahan!

TAKE your time, Mr. President.

Alam naman nating lahat na malalim na ang inabot ng sindikato ng ilegal na droga sa ating bansa.

Katunayan, nakapagluklok na ang drug money ng mga narco-politicians sa iba’t ibang local government units (LGUs) hanggang sa Kongreso sa Mababa at Mataas na Kapulungan.

Hindi ba’t iniimbestigahan na ngayon sa Kongreso ang sindikato ng droga sa National Bilibid Prison (NBP)?

Sa loob ng anim na taon, pinaniwala ang publiko na nililinis ng Department of Justice (DOJ) ang Bilibid sa pamamagitan ng mga sorpresang pagsalakay at paglilipat sa mga drug lord.

Pero lumalabas na lahat ‘yan ay drawing lang.

Naalala tuloy natin noong kinanti natin ang isyu ng droga at VIP treatment sa loob ng Bilibid. Isang mataas na opisyal ng isang opisina na nasa ilalim ng DOJ ang tumawag sa inyong lingkod at pinagsabihan tayo na huwag daw natin pakialaman ang nasabing isyu dahil nabubulabog ang mga ilegalista.

Heto ang finale: pinagpaplanohan na raw ang inyong lingkod ng sindikato ng droga sa Bilibid para ipatumba sa mga kontak nila sa labas.

Pero paulit-ulit po nating tinalakay sa ating kolum ang nasabing isyu.

Hanggang mamagitan ang isang common friend at ‘umiiyak’ as in desmayado na ‘yung mataas na opisyal ng opisina na nasa ilalim ng DOJ sa inyong lingkod dahil hindi naman daw tinupad ng kanyang bossing na gagawin siyang komisyoner ng isang Bureau.

Aruyku!

Hindi po ako makuwentong tao, kaya ngayon lang po natin ito ibinabahagi sa inyo mga suki.

Kaya noong sinasabi nina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na pinatungan ng P100 milyones at P50 milyones ang mga ulo nila ng sindikato ng ilegal na droga sa Bilibid ay naniniwala po tayo riyan.

Naniniwala po tayo na totoo na ginagamit nilang panakot ‘yung pagpapatumba.

Kapag natakot ang pinagbantaan, siyempre titiklop. ‘E kung gaya ni Digong na hindi natakot sa kanila?

‘Yan, dinudurog na sila ngayon.

At tanging si Pangulong Digong lang ang nagseryoso na durugin ang sindikato ng ilegal na droga sa ating bansa.

Kaya pabor ang inyong lingkod sa hinihinging ekstensiyon ni Digong para tuluyang durugin ang  sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Tama lang na ituloy ninyo Mr. President ang giyera kontra ilegal na droga at huwag magpaapekto sa maiitim na hakbangin ni Senadora Leila De Lima para pigilan ang inyong plano.

Tuloy lang po Mr. President at hindi nagbabago ang suporta sa inyo ng mga mamamayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *