Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Barcelona’s’ kiss, unang halikan nina Daniel at Kathryn

KUNG pagbabasehan naming ang aming napanood na halikan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Barcelona: A Love Untold, kumbinsido akong iyon ang unang matinding halikan ng dalawa.

Kitang-kita kasi ang panginginig at tila pagkakaba ni Kathryn sa eksenang iyon.

Ayon kay Daniel iyon ang unang matinding halikan nila ni Kathryn nang tanungin siya ni Vice Ganda sa show nitong Magandang Gabi Vice noong Linggo, kung first time niyang mahalikan ang dalaga.

Sa kabilang banda, pauwi na ng bansa ang KathNiel habang isinusulat namin ito mula Malaysia na dumalo sila sa kanilang international premiere roon.

Napapanood pa rin ang Barcelona na palabras sa may 320 cinemas nationwide.

Samantala, idinenay naman ng dalawa na sila na nga.

“Abangan niyo iyong pag-amin,” nasabi ni Padilla na dinugtungan naman ni Vice ng, “So may aaminin nga? Mag-jowa na sila pero hindi pa lang talaga nila aaminin. Abangan lang natin iyong date.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …