Napaka-suppotive talaga ng fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Bandang hapon pa lang noong Biyernes ay pumila na sa Kia Theater para saksihan ang Live Concert finale ng favorite nilang musical-drama serye ng SamVin loveteam na “Born For You.” At sa dami ng mga tagahangang sumugod sa Kia ay napuno ang 3,00 capacity ng nasabing venue. Kabilang ang inyong columnist, sa naimbitahan sa grand finale ng Born For You, kaya dinig na dinig namin ang sabay-sabay na malalakas na palakpakan at sigawan nang tumambad sa entablado ng Kia si Sam (Salvador) para kantahin sa kanyang first major solo concert ang hit single na compose ni Kevin (Magalona). Habang nagpe-perform at pinapalakpakan ay biglang dating ni Marge at akyat ng stage kasama ang daddy na kapwa record producer na si Ralph (Freddie Webb) at assistant na si Desmond (Ogie Diaz) at nag-eskandalo sa gitna ng concert ni Sam.
Tinalakan ang dalaga at inutusang tumigil sa pagkanta dahil nakaw raw ito at pag-aari niya ang song na ginawa ng anak na si Kevin na kanyang talent. Nagbanta pa ang main contravida ng serye na idedemanda niya si Sam kapag hindi nito itinigil ang concert. Pero dumating si Kevin para ipagtanggol sa harap ni Marge, si Sam.
Sa dialogue ng binata ginawa niya ang kanta para kay Sam dahil mahal niya ang dalaga. Ang sumunod na eksena ay biglang alis ang lahat sa entablado saka sabay-sabay na nagpunta sa backstage at doon ay inamin ni Marge sa harapan ni Mike at mag-inang Sam at Cathy (Vina Morales) na ninakaw niya ang kantang ‘Born For You’ kay Buddy(Bernard Palanca). Pinayagan niya si Sam na kantahin ang sikat na kanta kasama si Kevin at nagkapatawaran na sila.
Hayun, pagtambad ng SamVin ay halos ma-bingi na kami sa lakas ng tilian ng lahat na magmula umpisa ng duet ng SamVin hanggang matapos ay ayaw paawat ng fans na kinikilig talaga sa nasabing tambalan.
Sa finale ng concert buong cast ay lumabas at lahat ay nagpasalamat sa crowd sa suportang ibinigay sa kanila. Wala kaming masabi sa malaking tagumpay ng Born For You, ng Dreamscape Entertainment sa ilalim ng mahusay na direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin. Imagine, puro take one ang ipinakitang acting ng major cast sa live finale nila at wala ni isa sa kanila ang nagkamali.
Pabulosa rin ang production design ng stage dahil feeling mo nasa Japan na may cherry blossoms pa at kitang-kita ang Mt. Fuji, na unang nagtaping ang SamVin.
Big congrats sa buong cast gyud!
ALYAS ROBIN HOOD MOST EXPENSIVE ACTION-DRAMA SERIES NI DINGDONG DANTES SA GMA-7
Maging ang director ni Dingdong Dantes na si Dominic Zapata para sa bagong proyekto ng Kapuso primetime king na “Alyas Robin Hood” pi-naghalong action, drama, adventure at comedy ay nalula sa laki ng kanyang cast na kinabibila-ngan ni Dong at leading-ladies na sina Megan Young at Andrea Torres. Mga premyadong actor na sina Christoper de Leon, Cherie Gil, Jaclyn Jose, Dennis Padilla, Gary Estrada, Paolo Contis, Gio Alvarez, John Feir Sid Lucero atbp.
Ang Alyas Robin Hood ang maituturing na pinakamagastos na poyektong ginawa ni Dingdong sa kanyang mother network na GMA-7 at sulit naman dahil lahat ng entertainment press, kabilang ang inyong kolumnista na nakapanood ng full trailer nito ay napahanga hindi lang sa ganda ng takbo ng istorya kundi sa kalidad ng pagkakagawa ni Direk Dominic. Maghahasik nang kasamaan rito ang very influential na mother and son na sina Maggie Balbuena (Gil) at Dean (Lu-cero). Palalabasin nilang si Pepe (Dantes) ang pumatay sa amang si Jose de Jesus portrayed by Boyet. Ayaw itong paniwalaan ng ina ni Pepe na si Judy (Jose) dahil kilala niya ang kanyang anak. Pero kahit na-framed up lang siya at ang may malaking inggit sa binata na si Dean ang to-toong pumaslang sa kanyang ama ay makukulong si Pepe dahil sa connection nga ni Maggie. Pero malalagpasan ng binata ang lahat at maipagpapatuloy niya ang kanyang advocacy sa pagtulong sa mahihirap at maisasagawa sa tulong ng kaibigang si Armando Estanislao (Feir). Samantala nagpahayag ng excitement si Dong, sa bagong karakter na ginagampanan sa Alyas Robin Hood, “Maganda ‘yung feeling na nagiging part ka ng pag-solve ng isang problem sa lugar ninyo, tumutulong ka sa community. Pero mas mahalaga siyempre, ay ‘yung paghahanap sa katotohanan. I think, isa ‘yun sa main na gustong ma-achieve ng character sa kuwento, malalaman kung saan nag- mula, sino ang may kagagawan ng lahat. Medyo komplikado,” sabi ng aktor na iidolohin ng mga dukha at mga bata dahil sa kanyang Pinoy hero costume sa pagbibidahang serye na inyo nang mapapanood mula ngayong Lunes (Sept 19) sa GMA Telebabad gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia. May future gyud!
DAHIL SA EAT BULAGA, DALAGANG TAGA-BUKIDNON MAKAKAPILING NA ULI ANG MISS NA MISS NG LOLA
Matagal na pa lang nangungulila sa kanyang 78-year old na lola ng Bukidnon ang sugod-Bahay winner noong September 17 na si Candy Kate Estanero ng Brgy. Katipunan, Quezon City kaya naman walang tigil sa pagluha ang dalaga habang ikinukuwento kina Jose, Wally at Paolo at kina Bossing Vic Sotto, Sen. Tito Sotto, Joey de Leon at Allan K ang masaklap na buhay. Nagta-trabaho sa nasabing barangay bilang serbedora sa isang turo-turo si Candy na dinala ng kanyang kapitbahay sa Manila dahil sa hirap ng buhay sa Bukidnon. Dito siya nag-aral ng kanyang elementarya at high school. Mabuti at kumatok ang su-werte kay Candy at siya ang nanalo sa Sugod-Bahay sa Barangay na nanalo nang kabuang premyo na umabot sa P95,000 cash kasama ng Bossing Savings at iba pang papremyo. Dahil napanalunan sa Eat Bulaga ay makauuwi na sa Bukidnon si Cathy at makakapiling nang muli ang miss na miss na lola na hindi niya nakasama nang isang taon.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma