Saturday , November 23 2024

Jona, nalula sa rami ng fans ng Kapamilya artists sa abroad; PLDT Gabay Guro, nakapagpatapos ng 137 scholars with honors

NALULA at nagulat pala si Jona sa napakaraming fans ng mga artistang kasama sa ASAP New York. Ito ang excited na naikuwento sa amin ng magaling na singer nang kumanta siya para sa launching ng ika-siyam na taong pagsasagawa ng PLDT Gabay Guro.

Aniya, “grabe, na-shock ako kasi ganoon ka-extreme ang mga Kapamilya fan sa hotel lobby,” pagkukuwento nito na may lagnat pala ng mga oras na iyon pero hindi namin nahalata dahil napakaganda pa rin ng pagkakabirit at pagkakakanta ng isang awiting nakalimutan na namin ang titulo.

“Ang daming nag-aabang siyempre ‘yung inaabangan nila ‘yung loveteams—KathNiel, LizQuen. So parang naano ak… so grabe silang ka-fanatic.

“Aside pa roon sa mga may nag-aabang sa lobby kahit matagal na oras naghihintay po sila. Mayroon hanggang 2:00 a.m. ‘Yung iba talagang nagtse-check in sa hotel para mas may chance na makita nila o masalubong ang idol nila.

“May mga kuwento sa akin na kapwa ko singers, sabi nila ‘yung iba raw naghihintay sa elevator, ganoon sila ka-fanatic to the point na ‘yung sinasakyan naming bus kailangan naming mag-divert sa back door kasi nga sa sobrang dami ng tao na naghihintay,” kuwento pa ni Jona na bago ang ASAP New York ay nauna muna siyang isinama sa paggagalugad ng kuwento ng MMK sa Spain kasama si Ms. Charo Santos.

Natanong si Jona kung naramdaman ba niyang mas na-appreciate siya ngayong nasa ABS-CBN na?

“I feel appreciated din naman po ako before (nang nasa GMA pa), ngayon siguro mas (appreciated) lang po,” nakangiting paliwanag ni Jona na tatlong taong nang kasa-kasama ng ibang OPM singers na nagbibigay-saya sa mga guro.

Siyam na taon na ang PLDT Gabay Guro na naglalayong mabago ang pamumuhay at makatulong sa mga guro lalo na iyong mga nasa liblib na lugar.

Ayon nga kay Chaye Revilla MVP’s VP for Finance at brainchild ng Gabay Guro, bawat taon ay nadaragdagan ang mga gustong mag-sponsor ng kanilang advocacy. “Dati talagang medyo hirap kami sa pagkuha ng sponsor. Iilan lang ‘yan. Ngayon, sila na ang tumatawag at nag-uunahan para makatulong din at makapagbigay-saya sa mga guro.”

Magbabahagi ang PLDT para sa kanilang ika-siyam na taong tribute sa mga guro na gagawin sa Setyembre 25 sa MOA Arena ng house and lot mula sa Perry’s Group of companies, Gratour Van mula sa Foton, Honda at Suzuki motorcycles mula sa Intel, Devant, Motorlandia. Katulong din sa pagbibigay ng iba pang regalo ang Ropali, Penshoppe, National bookstore, Enchanted Kingdom, Splash, Tempra, Flanax, Bonamine, Vivalyte, Mundipharma, Gardenia, Bic, Art Attack, Microsoft, Smart Bro, Ultera, Talk N Text and 51 Talk.

Bukod kay Jona, magbibigay-saya rin at entertainment sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Michael Pangilinan, Ms. Lea Salonga, at ang Megastar Sharon Cuneta at marami pang ibang sorpresang guest.

Sa siyam na taon ng PLDT Gabay Guro, mayroon na silang 1,100 scholars sa iba’t ibang state colleges at universities nationwide. Mayroon din silang 300 LET passers, 496 active scholars simula pa noong Agosto 2016 at inaasahang makakapagpatapos ng 167 sa 2017. Ikinasisiya rin ng Gabay Guro na pawing with honors ang 137 scholars na magsisipagtapos—112 cum laude at 25 magna cum laude. Nakipag-partner din ang Gabay Guro sa local government units para mas lalo pang mapalawag ang teacher education.

Bukod sa entertainment, nagsasagawa rin ng trainings ang Gabay Guro sa may 16,000 teachers sa loob ng siyam na taon. Sa ngayon, mayroon silang walong training programs para sa mga teacher sa buong bansa tulad ng Teacher’s Treasure Chest, English Proficiency Training, Computer Literacy, Emotional Intelligence, Teacher’s Amor, leadership Training, IT Sustainability and Literacy, at Unleashing Creativity in Teacher.

Sa kabilang banda, bagamat hindi pinangarap ni Jona na maging teacher, isang malaking karangalan para sa kanya ang magpasaya ng mga guro na naging bahagi ng kanyang buhay para makamit ang mga pangarap.

At tulad ni Jona, ang PLDT ang isa sa nangunguna sa pagsuporta sa mga adhikain ng mga guro. At ito ay isinasagawa nga nila sa pamamagitan ng Gabay Guro na taon-taon nilang ginagawa sa MOA Arena na binibigyan nila ng kasiyahan ang mga gurong ipinadadala ng kani-kanilang bayan at paaralan.

Ang PLDT Gabay Guro ay tribute para sa mga guro lamang na libre ang admission. Para sa mga gustong makilahok, i-follow lamang ang Gabay Guro sa Facebook, Twitter, at Instagramt at @PLDTGabayGuro o bisitahin ang Gabay Guro official website gabayguro.com para sa ibang detalye.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *