NAG-GUEST last Thursday si Geneva Cruz sa “Tonight With Boy Abunda,” at nang tanungin ni Kuya Boy si Gen kung mag-i-stay na ba for good ay hindi raw at kaya nasa Pinas siya ay dahil expired na ang kanyang passport at kailangan niyang i-renew.
Dagdag ng singer-actress maganda ang job niya sa isang Spa sa Los Angeles, California at madalas rin daw siyang kunin ng TFC para mag-concert sa ating mga kababayan kaya kontento na raw siya sa buhay niya sa LA lalo’t kasama pa niya ang dalawang anak roon.
At ang rason ni Geneva kung bakit parang ayaw na niyang i-pursue ang career sa bansa ay dahil madalas siyang biktima ng panghuhusga at hindi na raw mamatay-matay ang tsismis sa kanya na maldita siya at pasaway. Well sayang ang talent ni Geneva na produkto pa naman ni Mr. Ryan Cayabyab.
Nakapanghihinayang naman gyud!
BOYONG MANGANGANIB ANG BUHAY
SA WANSAPANATAYM PRESENTS: TIKBOYONG
Hindi talaga titigil si Atom (Alex Diaz) hangga’t hindi niya napapabagsak si Boyong (McCoy De Leon) kaya’t inaalam talaga niya kung saan nanggagaling ang power ni Boyong na dahilan kung bakit biglang lumakas at naging mabilis kumilos kaya tinatalo sila game sa basketball.
Nang matuklasan ni Atom na sa tatlong buhok na ginto ni Boyong nagmumula ang kapangyarihan ay humanap siya ng tiyempo para makuha ang mga iyon. Kaya nang malasing si Boyong at hilo, sinamantala ni Atom ang pagkakaon at hayun nagtagumpay siya na makuha ang buhok at kasabay nito ang panghihina ni Boyong dahil wala na sa kanya ang kapangyarihan ng isang Tikbalang.
Ano kaya ang gagawin nina Flora (Alora Sasam) at Diwading (Jai Agpangan) para maibalik ang powers ni Boyong na nanganganib ang buhay sa kalabang si Atom. Pakatutokan ang lahat nang ‘yan sa pagpapatuloy ng episode ng Wansapanataym Presents: Tikboyong na mapapanood ngayong Linggo ng gabi sa ABS-CBN-2.
ISABEL GRANADA ITINANGHAL NA WEEKLY WINNER
SA TAONG GRASA NA NAGTATANGGO,
NEXT CHALLENGE VIDEOKE NA MAY KAKAIBANG TWIST
Si Isabel Granada ang itinanghal na weekly winner noong Sabado sa Challenge Accepted sa Eat Bulaga. Tinalo ng singer-actress sina Winwyn Marquez, Sugar Mercado, Ken Chan at Carlos Morales.
Bukod sa mahusay umarte at kumanta ay magaling na dancer si Isabel at nabigyan rin niya ng justice ang pagiging taong grasa kaya’t malaking factor ito para siya ang mag-stand out sa contest.
Samantala tinanggap rin ni Maine Mendoza ang challenge na mag-portray ng taong grasa at napatunayan ni Maine na sa pag-iikot niya sa Roxas Boulevard at sa Baclaran ay may mga Good Samatiran pa rin na nagbigay ng lumpia sa kanya at taho.
Nagsayaw rin siya ng Tanggo sa Broadway Studio kasama ang kalabtim na si Alden Richards.
Simula bukas ay panibagong hamon na naman sa Challenge Accepted ang hanap ng Bulaga sa Scuba Dive-Oke.
Sino kaya sa ating mga celebrity ang papatos sa nasabing challenge?
BACK TO BACK – Peter Ledesma