Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niel ng Cebu, pasok sa PBBS

DALAWANG gabi pa lang na in-eere, Saturday and Sunday  ang Pinoy Boyband Superstar pero ramdam na ramdam na ang fever nito. Ang gugwapo ng mga contestant at happy ako dahil nakakuha ng apat na “yes’ ang Cebuano hopeful na siNiel Murillo.

Sa female audience, nakakuha siya ng 96% (na ang passing ay 75%) at nang kumanta si Niel  ng isang Tagalog song sa harap ng apat na judges na sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, Sandara Park, at Vice Ganda ay napabilib sila ni Niel dahil bukod sa  kanyang kaguwapuhan (hawig siya ni Richard Gutierrez na may pagka-TJ Marquez) ay  ang galing din ng boses nito.

Noong mag-audition si Niel for Pinoy Boyband Superstar ay  ipinakilala siya sa akin ni Johndro Sabuero na siyang Road Manger ni Niel. Nag-stay sila sa Eurotel at nadatnan ko na praktis nang praktis si Niel sa kanyang hotel room. Ka-roommate niya si Anthony Banach na sumalang noong Linggo, pasado siya sa  female audience pero nakakuha lang siya ng dalawang yes (Aga and Yeng). Nag-no sina Sandara at Vice for Anthony.

Back to Niel, kasama ni Niel ang kanyang ina at ang kapatid nitong may  problema sa paningin at ito ang nag-trigger kay Niel na ipursige ang kanyang sarili na mapasok sa PBBS para maipagamot ang kanyang kapatid.

Si Niel ay tubong Bogo, Cebu, the same town na pinagmulan ni Vina Morales.

Goodluck, Niel.

(TIMMY BASIL )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …