Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May kakasuhan si Congw. Rosanna Vergara sa Immigration?

MUKHANG nahaharap daw sa asunto ang ilang personalidad sa Legal Division ng Bureau of Immigration (BI) matapos mag-file ng complaint sa DOJ at Ombudsman ang nanalong Congresswoman ng 3rd District of Nueva Ecija na si Rosanna “Ria” Vergara.

Bago raw ang huling eleksiyon ay kumuha ng certification of dual citizenship (9225) sa BI ang isang supporter ng kalaban ni Congresswoman elect Ria Vergara.

Dahil sa hindi malamang dahilan ay nag-issue ang Legal Division ng certification na wala raw kaukulang dual citizenship ang nanalong mambabatas.

070516 immigration

Pero sa kasamaang palad, nakaligtaan yata nilang i-verify sa Philippine consulate abroad ang status ni Cong. Vergara na roon pala nai-file at na-grant ang dual citizenship!

Paktay kang bata ka!

At ngayong nanalo nga ang nasabing congresswoman, siya naman ang reresbak sa ilang mga taga-Legal na gustong manlaglag sa kanya.

Inangkupo!!!

Daig n’yo ang kumuha ng batong ipinukpok sa ulo ninyo!

Ang tanong, kanino dapat isisi ang palpak-to-the-max na problemang ito?

Matatandaan, sa opisina ng 9225 nabulilyaso ang isang abogago este abogado na nagtangkang magpalusot ng dual citizenship para sa isang Syrian citizen na si Nade Briek.

Dahil sa eskandalong ito ay napaaga ang pagtsugi noon kay ex-Commissioner Ricardo David Dayunyor.

Sa kasalukuyang administrasyon dapat siguro na huwag ipagwalang-bahala ang isang ‘maliit na opisina’ gaya ng 9225 dahil noon pa man ay napakarami na umanong hokus pokus na nangyayari riyan?!

Huwag ninyon ismolin dahil may kasabihan, maliit lang ang puwedeng makapuwing!

MAY HAPPY AT UMIIYAK
NA PUNERARYA!

070316 dead

MARAMING natuwa sa bumababang crime rate mula nang umpisahan ng duterte administration ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Hindi maiiwasan na may buhay na nalalagas sa hanay ng mga pusher at addict sa tindi ng anti-illegal drug operation ng ating pulisya.

Isa sa happy sa kanilang negosyo ngayon siyempre, ang mga punerarya.

E mantakin naman n’yo, walang puknat ang mga bangkay ng mga umano’y tulak at adik tuwing gabi sa Metro Manila.

Pero may mga punerarya rin na umiiyak sa kanilang negosyo ngayon.

Bakit kan’yo!?

Wala kasing pamilya na tumutubos sa bangkay o walang pantubos ang pamilya sa punerarya.

May pusher pala na walang pera!?

Talo raw sila kaagad dahil awtomatik na magbibigay sila ng porsiyento sa pulis sa distritong nakasasakop sa lugar kung saan nakuha ang bangkay.

Paano kung walang tumubos at nakatengga lang ang bangkay!?

Lugi negosyo!

Wala rin daw maasahan na tulong ang pamilya sa kanilang barangay chairman para sa maayos na burol at libing.

Ang iba namang barangay chairman ay may raket din dahil may sarili silang kontak na punerarya na nagbibigay ng konsomisyon ‘este komisyon sa kanila.

Saan ngayon lulugar ang mga punerarya!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *