Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga paramdam ni Joseph kay Alex, ‘di ma-gets

HINDI raw nahirapang palabasin ng director ng My Rebound Girl na si Emmanuel dela Cruz ang natural na kilig kina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa mga romantic scene ng dalawa dahil bukod sa mutual friendship na nagsimula at nabuo sa pinagsamahang teleserye, ang aktres ang unang babaeng nagustuhan ng aktor.

Umaapaw nga raw ang chemistry nina Alex at Joseph na siyang nakita nina Mother Lily at Roselle Monteverde para gawin ang nakatutuwang kuwento ng pag-ibig, ang My Rebound Girl na handog nga ng Regal Entertainment Inc., at mapapanood na sa September 28.

Sa presscon ng romcom movie, kitang-kita na very close na nga sina Alex at Joseph dahil may nakapansing nakapatong ang braso ng aktres sa hita ng actor. Mayroon pa ngang moment na kakaiba ang tinginan nila na animo’y may namumuong magandang samahan.

Ayon kay Alex hindi sila nawalan ng communication ni Joseph pero iginiit niyang hindi niya alam kung nanliligaw ang binata sa kanya nang may nagtanong ukol dito.

So ibig sabihin hindi rin makuha ni Alex ang mga paramdam o gawing ipinakikita sa kanya ni Joseph.

“Actually, hindi naman mixed signals, pero may time na parang feeling ko, oo,” ani Alex.

“May time na may mga ibinibigay siya sa akin, touched na touched ako talaga, noong Valentine’s Day, binigyan niya ako ng bracelet. Terno kami,” kuwento pa ng nakababatang kapatid ni Toni na nagsabing ayaw naman din niyang bigyan iyon ng ibang kahulugan.

“Siguro ‘pag pumunta na si Joseph sa bahay ko nang unannounced, ‘yun,” pakli pa ni Alex.

Kung si Joseph naman ang tatanungin, “Ayoko kasing pilitin, I mean, gusto kong maging natural siya. ‘Yun nga, sabi ni Alex, I really tried before, pero feeling ko, ‘yun nga, noong time na ‘yun, hindi pa kami ready na dalawa.

“So, you’ll never know, nandiyan lang naman si Alex, you know, I’m single,” anang binata.

Samantala, ang My Rebound Girl ang sinasabing biggest break nina Joseph at Alex sa big screen dahil sila talaga ang bida. Ang mga ginawa kasi nilang movie noon ay may mga kasama sila.

Kasama rin sa movie sina Martin Escudero, Nathalie Hart, Carl Guevarra, Alora Sasam, Anna Vicente at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …