Monday , December 23 2024

Tatad: Walang personal na agenda si Marcos nang ideklara ang Martial Law

091516-tatad-enrile-dela-fuente-cabillas
ANTI AT PRO MARCOS. Naging panauhin ng linggohan news forum sa Kapihan sa Manila Bay Cafe Adriatico, Malate, Manila ang Anti at Pro Marcos na sina Danilo Mallari Dela Fuente, Fr.Dionito Cabillas ng Anti Marcos at Senator Juan Ponce Enrile at Dating Senator Kit Tatad habang tinatanong ni Marichu villanueva na kung saan napag usapan ang Martia Law at ang pagpapalibing kay dating pangulong Marcos. ( BONG SON )

TANGING ang estado ang responsable sa pagdedeklara ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos ng Martial Law, ani Kit Tatad, public information minister ng administrasyong Marcos.

Bunsod ang pahayag ni Tatad ng panawagan ni Danilo Dela Fuente, isang “human rights victim” noong Marcos admin na kasalukuyang nagsusulong ng petisyon kontra pagbibigay kay Marcos ng hero’s burial, na matugunan ang R.A. 10368 o Reparation and Recognition of Victims of Human Rights Violations during the Marcos Regime.

Paglilinaw ni Tatad, hindi dapat si Marcos ang sisihin sa human rights violation kung hindi ang estado dahil aniya’y walang personal agenda ang dating pangulo sa pagdedeklara ng Martial Law.

Dagdag ni Tatad, kuwalipikadong ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng dating presidente, sapagkat siya ay naging sundalo at presidente. ( JOANA CRUZ )

About Joana Ariza Joy S. Cruz

Si Joana Ariza Joy S. Cruz ay estudyante ng AB Journalism sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *