Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

3 drug suspect todas sa Tokhang

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ipinatupad na Oplan Tokhang sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa sa nabanggit na lungsod kahapon.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula sa Masambong Police Station 2, kinilala ang mga napatay na sina Alex Bacora alyas Dats, isang alyas Kamal, at isa pang alyas Messi, pawang residente sa Sitio San Roque.

Ayon sa ulat, dakong 2:45 pm sa ipinatupad na Oplan Tokhang sa Agham Road, Sitio San Roque area, nang katukin ng mga awtoridad ang isang bahay sa G170 Acacia St., ngunit pinaputukan sila ng mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspek.

( ALMAR DANGUILAN )

BEBOT PATAY, 1 PA SUGATAN SA ARMADO

PATAY ang isang hindi nakilalang babae habang malubhang nasugatan ang kasama niyang lalaki makaraan pagbabarilin ng armadong mga suspek na lulan ng isang kotse sa Parañaque City kahapon ng madaling araw.

Natagpuang walang buhay ang babae habang inoobserbaan sa Parañaque Medical Center ang kasama niyang lalaki.

Sa ulat kay Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Jose Carumba, ayon sa salaysay ng isang security guard, dakong 12:45 am, isang kotse ang humingo sa loob ng Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco ng nasabing lungsod.

Pagkaraan ay ibinaba ng mga suspek ang nakagapos na isang babae at isang lalaki na pagkaraan ay kanilang pinagbabaril.

( JAJA GARCIA )

MAG-INA ITINUMBA SA DROGA

PATAY ang isang 31-anyos ginang at anak niyang 17-anyos binatilyo makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na nakasuot ng bonnet kamakalawa ng gabi sa Montalban, Rizal.

Sa ulat ni Supt. Bogard Arao, Officer in Charge (OIC) ng Montalban Police, kinilala ang mga biktimang sina Marygrace Blando, 31, at Rogie Blando 17, kapwa nakatira sa Amityville Subd., Brgy. San Jose sa nasabing bayan.

Nabatid sa pulisya, dakong 10:30 pm pinasok ng mga suspek ang bahay ang mga biktima at sila ay pinagbabaril.

Natagpuan ng mga awtoridad sa bahay ng mga biktima ang ilang sachet ng shabu kaya hinihinalang may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa mag-ina.

( ED MORENO )

PULIS-BULACAN UTAS SA VIGILANTE

HINIHINALANG pinatay ng mga miyembro ng vigilante group ang isang pulis-Bulacan na naunang nakuhaan ng video habang gumagamit ng shabu.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ni PO1 Albino Abil sa Brgy. Gumaoc sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng gabi,

Sa tabi ng katawan ng biktimang tadtad ng tama ng bala ay natagpuan ang isang plackard na may nakasulat na katagang “Huwag tularan, adik na pulis, carnapper”.

Ayon sa pulisya, droga ang tinitingnang motibo sa pagpatay kay Abil na nakatalaga sa Bocaue Police.

Ilang araw bago ang insidente, nakuhaan ng video si Abil na naglalaro ng cara y cruz kasama ng ilang lalaki habang gumagamit ng ilegal na droga.

( MICKA BAUTISTA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …