Friday , November 22 2024

Farm land conversion ipinatitigil ni Duterte

SA REKOMENDASYON ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, ipinatitigil ni Presidente Rodrigo Duterte ang kombersiyon ng 4.7 milyon agricultural land na aprubado simula noong 1972 para gawing subdivisions at industrial parks.

‘Yan ay bilang tugon sa katiyakan ng seguridad sa pagkain ng buong bansa.

Hinihintay na lang dito ang executive order ng Pangulo para sa coverage ng moratorium.

Sa unang pulong niya sa Presidential Agrarian Reform Council, inutusan din ng Pangulo ang Land Bank of the Philippines (LBP) na asistehan ang agrarian reform beneficiaries, para sa free irrigation services at ang pagbabalik sa P70 bilyon coco levy funds, na hanggang sa kasalukuyan may isyu pa rin sa San Miguel Corp., shares.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang desisyon sa nasabing pondo na sinabing ilegal na nakuha sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa coconut farmers.

Bagamat nasa proseso pa lang ang executive order na nagbabawal na i-convert ang mga agricultural land malaking bagay ito para pansamantalang mapigil ang mga proseso ng mga land conversion.

Mayroon nga naman kasing mga farm land na mayroon pang tanim ‘e biglang darating ang bulldozer. ‘Yan ay kahit puwedeng hintayin na mahinog o maani muna ang nakatanim.

Nilinaw ni Ka Paeng na pinoprotektahan nila rito ang 4.7 milyon agricultural lands na naipamahagi at naipagkaloob na sa 2.7 milyones agrarian reform beneficiaries.

Ito ‘yung mga naibahagi na mula noong 1972 sa ilalim ng presidential decree noong martial law na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos at noong 1988 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino.

Kasama rin dito ang agricultural lands na may notice na ng DAR, mga irrigated and irrigable land, prime agricultural lands, agricultural lands na niliilnang ng mga magsasakang mag-isa o magkakasama, at retention areas ng mga landowners na pinauupahan o sinasaka ng mga kasama.

Maliwanag na ang mga agricultural land na naipagkaloob na ng gob-yerno ay hindi maaaring i-convert nang labas sa layunin kapag walang DAR permission.

Sa ngayon, inutusan ni Secretary Mariano ang DAR personnel na repasohin ang mga order at desisyon ng mga nauna sa kanya. Iniutos na rin niya ang pagbubuo ng policy review and formulation committee.

Kabilang sa rerepasohin ang administrative order sa agribusiness venture arrangements na naging optional ang presensiya ng DAR.

Pero sa ilalim ng agricultural leasehold system, ang DAR ang may awtoridad at nagtatakda ng upa.

Naniniwala si Ka Paeng na ang DAR ang may pinakamalaking papel sa mga nasabing kasunduan upang tiyakin ang proteksiyon sa mga karapatan ng agrarian reform beneficiaries na pumasok sa agribusiness ventures.

Ang daming agricultural lot na na-convert sa malalaking subdivision, mall, industrial park at sementeryo  na  pinagkakitaan nang malaki ng ilang developer.

Sa wakas, sa haba ng panahon, nagpapalit-palit at nagpalipat-lipat na ang opisyal ng gobyerno, nagkaroon din tayo ng mga tunay na lingkod ng bayan.

Sana lang ay madaliin na ang executive order na ‘yan.

Suportado ka namin diyan Secretary “Ka Paeng” Mariano!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *