Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oplan Tokhang… inaabuso

TAO PO…(PULIS PO)…he he he…’yan mga ‘igan ang katok ng ating Kapulisan sa bahay-bahay sa pagsasagawa ng “Oplan Tokhang” na isa rin sa pamamaraan ni Ka Digong sa pagsugpo ng Droga sa bansa. Marami ang natutuwa, siyempre ‘yung mga taong gusto ng tunay na pagbabago! Meron din namang nalulungkot, siyempre ‘yun namang mga taong maaaring sangkot sa Droga na…ayaw papigil sa iligal nilang gawain! Dahil maaaring… talamak o’ adik na adik na sila sa Droga…at maaring ito na rin ang kanilang ikinabubuhay kung kaya’t nakakaraos na makakain ng tatlong (3) beses sa isang araw…Kaya naman, sa hirap ng panahon, “Kapit Sa Patalim” na rin ang ilan nating mga Kababayan. Ika nga, “Bahala na” ‘igan…

Sa pag-iikot-ikot ng aking ‘Pipit’ na malupit, aba’y ‘igan, naobserbahan n’yang marami rin ang tumatanggi sa “Oplan Tokhang” ito! Sus, sa takot sa mga Pulis ay ayaw nila itong pagbuksan! ‘Yun tipong kakatok pa lang ay…”Wala pong tao rito!!!” He he he…aba’y sa takot di na nila alam ang sinasabi. Sa kabilang-banda, kung ang mga sangkot o’ suspek sa Droga ay makikipagharap ng maayos, ‘yung tipong buong-pusong isinusuko ang kani-kanilang sarili sa Droga para sa tunay na pagbabago para sa kani-kanilang Pamilya… magiging payapa ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” na ito. Maiiwasan natin sa pagdanak pa ng dugo at pagkitil ng buhay na siyang nangyayari sa kasalukuyan.

Pero sa totoo lang mga ‘igan, pwede namang tumanggi sa “Oplan Tokhang,” lalung–lalo na kung wala silang “Search Warrant.” Hindi pwedeng makapasok ng bahay ang ating Kapulisan kung walang “Search Warrant” o’ “Warrant of Arrest” na galing o’ bigay ng isang “Judge.” Walang iniwan ‘yan sa “Right to Privacy” na kung saan kinikilala ang pagiging ligtas ng isang ordinaryong tao na nasa loob ng kanyang tahanan.

Subalit, mukhang inaabuso na mga ‘igan ang “Oplan Tokhang.” Pagkatok pa lang ng Pulis sa pinto ng taong sangkot o’ suspek sa Droga…sus gulangtang ang lahat dahil nandyan ang barilan at saksakan, na hindi alam kung sino at paanong nagsimula…Ang Pulis ba o’ ang Suspek? Nanlaban ba o’ Hindi? Hanggang sa hindi na natin malaman kung ano at sino ang totoo! Bakit ganito ‘igan? Anong klaseng Kapulisan at pamamaraan meron ang “Oplan” na ito?

Maganda mga ‘igan ang “Oplan Tokhang” ni Ka Digong kung maipapatupad o’ maisasagawa ito sa maayos na pamamaraan ng mga matitinong Pulis ng bansa. Sa kasalukuyan, hindi kaya may problema sa mga taong nagpapatupad o’ kumikilos sa “Oplan Tokhang?” Hindi kaya naaabuso na ito kung kaya’t hindi na maganda ang nagiging resulta at dating ng “Oplan” sa Taumbayan?

Hindi maitatangging Pulis pa umano ang karamihan sa mga nasa ikatlo at pinal na listahan ni Ka Digong sa usaping “Illegal Drug Trade Operation” sa bansa. Sus, paano pa natin mapagkakatiwaaan ang ating Kapulisan kung mismong sila ang pasimuno sa “Drug Syndicates” sa bansa! Aba’y aksyonan na rin ang mga tiwaling Pulis na ‘yan ng matuldukan na rin ang kani-kanilang katarantaduhan tungo sa kaayusan ng P’nas. Tunay na sagabal ang katarantaduhan sa inaasam-asam na tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa.

Sa katunayan, hindi man makapaniwala si Ka Digong, subalit ang totoo’y marami pa rin sa ating Kapulisan ang tuloy-tuloy pa rin na nakikipagbabwatan pa umano sa “Drug Syndicates.” Kaya tokayong Gen. “Bato”… Go Go with DiGong…para sa paparating na tunay na pagbabago! Ika nga e…”Change is Coming…” Good Luck…Sa pagtatapos mga ‘igan, binabati ko ang aking kapatid na si Journalist–Columnist Jessie C. Balane na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Ika-14 ng Setyembre, 2016. Bro “Belated Happy B-Day! Good Health and More Blessings to Come…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …