Sunday , December 22 2024

Unahin ang tubig at elektrisidad sa public schools

Dragon LadyPANAY ang gawa ng bagong classrooms na pangunahing pinagkakaabalahan ng Department of Education. Marami sa mga nakatayong eskuwelahan ay walang tubig at elektrisidad! Dahil ba sa mas kikita ang mga kontraktor na nakakuha ng proyekto?

***

Isa sa bawat anim na eskuwelahan ay walang elektrisidad at 25 porsiyento ang walang tubig. Kapag walang tubig ay magiging mabantot o mabaho ang mga palikuran ng eskuwelahan lalo kung dudumi ang mga estudyante.

***

Kung minamadali ng ating gobyerno ang pagkakaroon ng internet connectivity ng mga eskuwelahan, bigyan muna ng aksiyon ang tubig at elektrisidad. Kailangan ay maglagay ng mga tubo para sa daluyan ng tubig at linya ng mga koryente.

Kung kada taon ay may pondo o badyet para sa mga libro at school supplies, dapat siguro ay panahon na para maglagay ng alokasyon para sa basic needs ng mga estudyante sa kanilang mga eskuwelahan.

Dahil ang kawalan ng tubig at elektrisidad sa mga eskuwelahan na maghapong naroroon ang mga estudyante ay isang malaking problema!

NO EXEMPTION

SA TRUCK BAN

Mabuti naman at sinuspendi ng MMDA ang lahat ng truck ban passes exceptions, nakatutulong ito para lumuwag ang trapiko. Inatasan ng MMDA ang lahat ng Trucking firms at operators na mahigpit na sundin ang truck ban routes at window hours.

***

Pero teka, ire-recall daw ng MMDA ang lahat ng inisyung  truck ban passes exceptions para rebyuhin ito ng Inter-Agency Council on Traffic, bakit? Para raw malaman kung gaano karami ang bilang ng bumabagtas sa Kamaynilaan. Wala bang listahan? O baka naman para mag-renew ng kanilang ‘SOP’ ang mga operator?

***

Sa hakbang na ito ng MMDA, huhulihin ang lahat ng truck na may kargang perishable goods na babagtas sa mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan kapag hindi pa ‘window hours.’ Matatandaan na ang Special Traffic Committee ng Metro Manila Commission, na binubuo ng MMDA at ng 17 alkalde sa Metro Manila ang unang naglabas ng resolusyon na nagbibigay ng karapatan sa MMDA na mag-isyu ng truck ban conduct passes sa lahat ng truckers palabas o papasok ng Maynila. Ang pagsuspendi ng MMDA sa lahat ng humahawak ng Truck Ban Passes Exceptions ay base sa Memorandum Circular No. 13, na may petsang Setyembre 1, 2016.

Dagdag na SSS Pension

Umuusad na sa Kongreso ang dagdag na P2,000 sa SSS pension matapos aprubahan sa Committee on Government Enterprise and Privatization. Noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay na-veto ang panukalang ito na aprubado na sa Kongreso, sa katuwirang  P26 bilyon ang matatapyas kada taon sa pondo ng SSS. Pero ngayon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasisiguro na ang pensioners na matutupad ang dagdag na P2,000 sa kanilang pensiyon.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *