Sunday , December 22 2024

Narco-celebrities tinitiktikan — QCPD

MINAMANMANAN na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang movie personalities/celebrities na sinasabing gumagamit ng ilegal na droga partikular ang ecstacy party drug.

Ito ang inihayag kahapon ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, makaraang ikanta nang naarestong ecstacy pusher na si Philip Mendoza Salonga, half  brother ni Broadway singer/artist Lea Salonga, ilan sa mga parokyano niya ay movie personalities o artista.

Matatandaan, ang lalaking Salonga ay inaaresto ng mga operatiba ng QCPD District Anti-Illegal Drugs at District Special Operation Unit (DSOU) nitong nakaraang linggo makaraan makompiskahan ng 14 pirasong ecstacy nang bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City.

Gayonman, tumanggi si Eleazar na banggitin ang pangalan ng mga minamanmanang movie personalities/celebrities ngunit inilinaw ng opisyal, ang pagmanman ay pangangalap lang ng impormasyon para malaman kung may katotohanan ang sinabi ni Salonga.

“Kailangan muna natin magsagawa ng surveillance at kumuha ng impormasyon… we have to verify or validate if the informations given are true,” palilinaw ni Eleazar.

Ngunit nananawagan si Eleazar sa mga artista (kung may gumagamit man sa kanila) na sumuko na at suportahan ang programa ng PNP na Oplan Tokhang, bahagi ng direktiba ni Pangulong Duterte na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

“Sumuko na lang sila. Hindi naman sila kakasuhan. Hiling lang namin sa kanila (sa mga susuko) na magbigay ng impormasyon kung saan sila bumibili ng ecstasy,” panawagan ni Eleazar.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *