Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nate, ayaw pag-artistahin ni Regine

KUNG si Regine Velasquez ang masusunod, ayaw niyang mag-artista ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate. Okey na kay Regine ang paggawa-gawa ng commercial ni Nate dahil iba nga naman ito kompara sa pag-aartista.

Nakaapat na commercial na si Nate, at ang latest ay ito ngang PLDT Home Smart Watch’s Peace of Mind campaign na baby ambassador nga si Nate. Maganda kasi ang layunin ng campaign na ito lalo na sa mga working mom para lalo silang maging better mom.

Ani nga ni Regine, “Specifically I get a lot of help from PLDT Home. They have a suite of products and services that are designed to give moms like me peace of mind through the power of technology. So far, super helpful talaga siya for me especially when I have to away for work.”

Sinabi pa ni Regine na okey lang sa kanya na gumawa si Nate ng commercial. “Ngayon lang kasi maliit pa siya pero parang hindi naman din sa pag-aartista ang hilig niya. Pero I’m glad na medyo aware siya sa industriyang ginagalawan naming ng tatay niya. It’s also good na alam niya na galing kami sa industriyang ito pero hindi ko masabi kung ito ang gugustuhin niyang gawin. For me sana hindi. Parang iba ang gusto niya.”

Mahilig si Nate sa mga eroplano, maps at flags. Sa katunayan, alam niya ang kulay ng PAL, Cebu Pacific, Cathay Pacific, at iba pang airlines. Paborito rin ng apat na taong gulang na anak nila si Mang Tani (Nathaniel Cruz, weather forecaster) “Kasi raw Nathaniel din ang name, ha ha  ha,” kuwento ni Regine.

“Nakagugulat na marami na siyang alam at ang galing niyang magbasa. Hindi ka na nga puwedeng magtago eh, kasi ‘pag may text binabasa na niya,” sambit pa ng Asia’s Songbird.

Very open si Regine ngayon na i-expose si Nate sa presscon kaya natanong siya kung pagdating ba ng panahon ay itatago niya rin ito sa press?

“Hindi naman. I’m holding on lang na hindi ito ang career path na gugustuhin niya,” anito. “But if he wants to be in this business hindi mo naman mapipigil and ayoko rin naman na itago pa niya sa akin. Siyempre whatever he wants to be I will support that as a mom. I’m just hoping na hindi ito ‘yung career na makukuha niya kasi masyadong pressure.”

Mahilig din daw kumanta si Nate. “Yes hes always singing. That’s how I’m finding him in the house. I follow his voice. Theme song niya ‘yung kanta sa ‘Poor Senorita’.”

At tulad ni Ogie, mahilig din daw sa magagandang babae ang anak nila. “Si Maine, raw hindi na niya crush… nahihiya siya. Eh, noon pinapunta niya pa nga kami sa ano…, pinabalik pa niya car para mag-picture kami kay Maine. Pero gandang-ganda siya kay Marian (Rivera). Si Solenn (Heussaff) naman type na type niya. Manang-mana talaga siya sa tatay niya hahaha.”

Si Nate ay tulad din ng ibang bata na mahilig sa gadget. “Oo magaling mag-Ipad iyan. Kaya nga nire-restrict ko ‘yung Ipadding niya. Ipadding tawag namin. Hindi kami everyday nag-a-Ipad. He likes going to youtube, games, pambatang games kaya I allow him. He likes anything about airplanes, safety video, he’ll watch for hours and hours.

“Tini-train ko siya na maikling oras ang ginugugol sa Ipad kasi he loves to play eh. Nauna kasi naming ginawa ‘yung mag-play kaysa mag-Ipad. ‘Pag napagod mag-Ipad, maglalaro siya kahit mag-isa lang siya.”

Naikuwento pa ni Regine na ayaw daw magkaroon ng kapatid ni Nate dahil, “Kasi raw mayroon na raw akong baby at siya raw ‘yun at sabi niya ‘di ba I’m a good baby mommy?’ May mga kalaro naman daw siya tinanong ko siya eh, ayaw daw niya, kasi alam niya napanood niya sa video lumalaki ‘yung tiyan, may lumalabas na baby, ayaw niya for me. Parang dangerous na.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …