Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo at Lui, magsasama sa isang travel show

THE crawl!

Ito pala ang titulo ng travel show ng aktor na si Piolo Pascual. Na mapapanood na sa lifestyle channel.

May kasama siya sa show. Si Lui Villaruz. At dalawa silang gumagalugad sa bansang pinupuntahan nila. At ang tinututukan nga ay ang mga kakaibang pagkain o putahe sa nasabing bansa.

At Japan ang una nilang pinuntahan.

Kaya ipinakita ang paggawa o paghahanda ng ramen at okonomiyaki.

Sabi ni Piolo, dinaranas din ang kultura ng lugar sa mga pagkaing inihahain sa bawat lugar.

Akala naman ng iba horror ang titulong The Crawl. Para ka raw kasing gagapang. At ‘yun naman daw kasi ang gagawin nila sa bawat episode nito. Gagalugarin ang sulok ng mga bibisitahin nila.

Kaya nakapunta rin sila sa Osaka para sa Universal City Walk, Takoyaki Museum, Hozenji, at Kuromon Market. Mga lugar sa Japan na ang ilan eh, never heard na siya namang ibabahagi sa atin ng dalawa.

Mahilig naman pala talaga mag-travel si Piolo. Pati na si Lui. Kaya nga kapag humarap na ito sa Internet, mga lugar na nasa wish list niya ang inire-research niya bago puntahan. Lalo na sa mga direction.

Ngayon, ipakikita pa niya ito sa mga manonood. At ipararamdam ang kanilang gustatory at cultural experiences.

The Crawl. Para lang silang mga langgam na nasa siit ng mga kasulok-sulukang lugar sa sari-saring bansa ng mundo.

More to learn!

Ang tanong bakit daw walang babaeng co-host para mas masaya ang tila road trip na palabras?

Ask the producers!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …