Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abu Sayyaf – Grupong tulisan

WALANG pagdududa na ang Abu Sayyaf Group (ASG) ay isa sa mga kinatatakutan at kinamumuhiang pangkat sa Mindanao.

Hindi tulad ng sigaw ng ibang rebeldeng Muslim, ang mga miyembro ng Abu Sayyaf ay hindi pinagbuklod ng iisang adhikain o ideolohiya kaugnay ng pananampalataya o pakikipaglaban para sa kalayaan ng lupang sinilangan.

Ang tanging hangarin ng Abu Sayyaf ay makakuha ng milyones bilang ransom mula sa kanilang dinukot, dayuhan man o kapwa Filipino.

Kapag nabigo ang mga kaanak ng biktima na maibigay ang halaga na kanilang hiningi ay walang awa nilang pinapatay ang kidnap victim, na kadalasan ay pinupugutan ng ulo.

Noong Miyerkoles ay pinugutan nila ang bihag na si Patrick Jhames Almodavar, 19, sa Indanan, Sulu. Nakita ang ulo niya na nakabalot sa plastic bag at itinapon na parang basura ng tatlong lalaking nakasakay ng motorsiklo. Nabigo kasi ang mga kaanak niya na maibigay ang hinihinging ransom na P1 milyon.

Nagalit si President Duterte. Dahil dito kaya inutusan ang mga pulis at sundalo na tugisin at wasakin ang lahat ng kalaban ng estado, kabilang na ang ASG at mga sangkot sa droga.

Nagpahayag ang Pangulo na ang pamumugot ng inosenteng tao na isinagawa ng ASG ay maliwanag na insulto sa mga Moro sa Filipinas na nagmamahal sa kapayapaan.

Sa loob ng maraming taon ay ginawa nang hanapbuhay ng ASG ang pagdukot sa mga Filipino at dayuhan. Sangkaterbang pera na ang kanilang kinita mula sa paghingi ng ransom, at napakaraming biktima ang kanilang pinaslang. Balewala sa kanila ang buhay ng biktima at tanging pera lang ang kanilang sinasamba o binibigyan ng halaga.

Nagdulot ito ng negatibong larawan ng Filipinas sa mata ng buong mundo na hindi ligtas mamasyal sa ating bansa. Lumalabas na hindi kayang protektahan ng gobyerno ang seguridad ng mga dayuhan na nagpupunta sa Mindanao.

Maliit lang ang bilang ng ASG ngunit maraming residente ang tumutulong sa kanila dahil takot, o kaya ay dahil magkakamag-anak sila. May mga kuta sila sa gubat pero marami rin ang nakikihalubilo sa mga barangay.

Sa tulong ng mga opisyal ng lugar, kailangan suyurin nang husto para matukoy kung sino-sino ang miyembro ng ASG, upang tuluyan silang mapuksa.

Kung hindi ay mahihilo lang sila sa kaiikot at kahahanap, nang hindi nakikita o natutunton ang kanilang tinutugis.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …