Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsinay na syota ng convicted drug lord timbog sa P1.2-M shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babaeng Filipino-Chinese na kasintahan ng convicted drug lord, makaraan makompiskahan ng P1.2 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang nadakip na si Jennifer Hong, 30, residente ng Block 8, Lot 9, Villa Lourdes Town House, Congressional Avenue, Quezon City.

Ayon kay Supt. Godofredo Tul-O, District Anti-Illegal Drugs chief, si Hong ay nadakip dakong 2:15 am sa kanto ng Agoho St., at Almasiga St., Brgy. Claro ng nabanggit na lungsod sa pangunguna ni DAID team leader, S/Insp. Ernesto Santos Jr., makaraan bentahan ng kalahating kilo ng shabu ang police asset na nagpanggap na buyer.

Idinagdag ni Eleazar, si Hong ay kasintahan ng isang convicted drug dealer na kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Annex Jail sa Bicutan.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …