Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sto Niño bridge sa Parañaque delikado na

Dragon LadyDELIKADO nang dumaan sa tulay ng Sto. Niño na nag-uugnay sa Barangay La Huerta at Imelda Ave., lungsod ng Parañaque, dahil posibleng bumigay ito sa tagal nang panahon na ginawa ito.

***

Agad inatasan ni City Administrator Fernando Soriano ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) head na si Dr. Ted Gonzales upang magtalaga ng mga tauhan na magbabantay sa malalaking upang pigilan ang mga trak na daraan sa nasabing tulay. Lalo na ‘yung may bigat sa mahigit 5,000 tons dahil unti-unti umanong bumibigay ang ilalim ng tulay.

***

Nagsagawa ng rerouting sa nasabing lugar, at pansamanatalang binuksan ang harang patungong Multinational Village, para pansamantalang daanan ng malalaking trak patungong South Superhighway na daraan sa Moonwalk, palabas ng Better Living Subdivision sa Bicutan.

***

Dahil matagal na ang nasabing tulay, nagpapahiwatig na anomang oras ay bumagsak ito. Alerto talaga si City Admin, wala akong masabi!

Buwagin ang NFA, NIA at NEA

Tama lang at may katuwiran si Cabinet Secretary  Leoncio Evasco, Jr.,  na buwagin ang National Food Authority (NFA), at dapat na lamang isailalim sa pangangalaga ng Department of Agriculture ang trabaho ng NFA.

Alam nang lahat na ang ahensiya ng NFA ang isa sa pinakamaanomalyang ahensiya, lalo kung may kaugnayan sa bigas.

Sakaling matuloy ito, malaki ang matitipid ng gobyernong Duterte, bagama’t maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho. Pero puwede naman ilipat sa ibang ahensiya ng gobyerno.

***

Gaya ng National Irrigation Administration (NIA), puwede na rin sa pangangalaga ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang National Electrification Administration (NEA) isama na sa Department of Energy. Mas lalong makatitipid ang pamahalaan. Ano sa palagay ninyo mga ‘igan!

Burol sa kalye Bawal na

Hindi lamang mga traysikel, pushcarts, kuliglig, pedicabs, ambulant vendors ang bawal sa mga pangunahing lansangan, maging ang burol ng mga patay ay ipinagbabawal na rin.

Ito ang nakapaloob sa inihaing House Bill 2561 ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers, sakaling mapagtibay ng Kamara. Hindi dapat gawing burulan ang mga kalye. Kaya naman ibinuburol sa kalye, mas may espasyo, at malayang makapag-o-operate ang Sakla-Patay!

MGA SQUATTER NA INILIPAT
SA CAVITE NAGBEBENTA NG BAHAY

Magugunita noong nakalipas na taon ay inalis ng MMDA ang mga squatter na nakatitik sa mga tabi ng creek at sila ay binigyan ng relokasyon ng NHA.

Nakaabot sa ating kaalaman, marami na ang nagbebenta ng kanilang bahay at ang iba naman ay pinauupahan at muli nagsibalikan sa Maynila.

Dapat ay magsagawa ng census ang NHA, kung nasaan ang kanilang nabigyan ng award sa relocation site, siguradong wala na ang mga pangalan na nakalista at iba na ang nakatira!

Meron nga raw, tatlong bahay na ang nabili!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …