Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanganganib si Bistek na mawala sa poder

USAP-USAPAN sa Lungsod Quezon ngayon ang krisis na kinakaharap ng mayor na si Herbert “Bistek” Bautista kaugnay sa ginawang pag-amin kamakailan ng kanyang nakababatang kapatid na konsehal ng lungsod na si Hero Clarence Bautista bilang isa sa mga naging biktima ng droga.

Ayon sa kuwento ay sinadya raw umano ni Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong na ipag-utos ora-orada noong Agosto 1, ang isang drug test para sa lahat ng mga konsehal ng lungsod, kabilang na si Hero. Alam daw umano ng bise na sasabit si Hero sa drug test dahil hindi naman sikreto ang pagiging biktima niya ng droga.

Ang ginawa raw na ito ng bise ay isang paraan ng

pamilya Belmonte upang hindi mawala sa kanila ang kontrol ng lungsod matapos magpakawala umano ng mga kandidato ang pamilya Bautista nitong nakaraang eleksiyon.

Pansinin na anim na miyembro ng pamilya Belmonte ang nakaupo sa poder ngayon. Una na rito si Rep. Feliciano Belmonte ng ika-apat na distrito ng Lungsod Quezon, Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong, Rep. Jose Christopher Belmonte ng ika-anim na distrito ng lungsod, mga Konsehal na sina Oliviere Belmonte (unang distrito), Irene Belmonte (ika-apat na distrito) at Sebisyo sa Bayan Party-list Rep. Ricardo Belmonte Jr.

Hindi raw nagustuhan ng pamilya Belmonte ang ginawa ni Mayor Bistek kaya hayun ginigiba nila si Hero at pati na rin si mayor sa ngayon. Pansinin rin na maliban kay Hero ay wala nang iba pang kandidato ang mayor na lumusot nitong nagdaang halalan.

“Paanong lulusot e tinrabaho talaga para ‘wag manalo,” sabi ng isang kaibigan natin na madalas sa city hall.

Kamakailan ay kinasuhan na ng Volunteer Against Crime and Corruption ang magkapatid na Bautista sa Ombudsman na maaaring ikasibak nila sa puwesto.

Hindi alam ng Usaping Bayan kung may kinalaman ang pamilya Belmonte sa kilos na ito ng VACC pero isa lang ang tiyak…masakit ang ulo ni Mayor Bistek pag-uwi mula sa Oslo, Norway.

* * *

Senadora De Lima pinagbibitiw ng isa sa mga abogado ni dating Pangulong Glori Macapagal-Arroyo mula sa komite na nag-iimbestiga sa mga patayang nagaganap.

Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sawww.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …