Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adelle at Barbra, dadalhin ng Lucky 7 Koi Productions Inc. sa ‘Pinas

 

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang bumubuo ng Lucky 7 Koi Productions Inc., dahil sa dalas nilang magkita-kita sa Solaire Resort & Casino, napagkasunduan nilang gumawa ng isang concert, ito nga ang Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers @ The Theater.

Ang Powerhouse concert ay magaganap sa Oktubre 28, 7:30 p.m. sa The Theater ng Solaire. Binuo at pinagsama-sama ng Lucky 7 ang magagaling na world-class performers para sa isang musical showdown, ito nga ay sina Arnel Pineda, Michael Pangilinan, Morissette, The 4th Impact, Mayumi, at ang T.O.M.S. Band.

Ayon sa Lucky 7 Koi Productions Inc., big fan sila ng music kaya naman napagkasunduan nilang mag-prodyus ng isang concert.

“Dream naming madala si Adelle sa Pilipinas and also Barbra Streisand,” sambit ni Atty. Carmelita Lozada. “But we cannot afford it. If we only can afford, why not,” nangingiting dagdag pa nito.

Sinabi pa ng Lucky 7 Koi Productions Inc., na umaasa silang makapag-prodyus ng tatlong concert every year.

“Gusto rin naming magkaroon ng reunion ang Rivermaya at mapagsama sina Rico Blanco at Bamboo. Gusto rin naming magkaroon ng concert dito sa Solaire si Lea Salonga,” sambit pa ng isa sa prodyuser ng konsiyerto.

Iginiit pa ng Lucky 7 na umaasa silang magiging matagumpay ang Powerhouse concert dahil, “If we cannot make this successful paano pa kami pagkakatiwalaan ng Solaire. Kaya nga humihingi kami ng tulong para maging successful itong aming first venture.”

Ang Lucky 7 Koi Productions Inc., ay binubuo nina Lily Chua, Joan Alarilla, Atty. Lozada, Carol Galope, Rosalinda Ong, Neth Mostoles, at Liza Licup. Kasama rin nila bilang board of directors sina Divine Arellano at Emy Domingo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …