GOD’S creation. Matapos mag-post ng kanyang larawan sa social media with the caption na “I AM…my God’s creation,” may bago na namang ibinabahagi si Binibining Gandanghari.
“Change is coming…BIG TIME!” naman ang naka-post ngayon sa pagbabalita ng gusto na ring kilalanin siya bilang a “She” na si BB sa pagpapalit na niya ng pangalan at kasarian mula sa Rustom Cariño Padilla sa pinili niyang ipetisyon sa Korte ng California sa Amerika.
From a He ay She na raw siya ngayon. Aminado ang transgender na talagang binuno niya ang pagbabalik-balik sa Amerika para isa ito sa maisakatuparan sa nais niyang maging pagbabago hindi lang sa buhay niya kundi sa buo niyang pagkatao.
So now, always regard the Miss as a she!
At sa inaabangan namang pagpapa-sex transplant, mababasa naman sa kanyang mga salita ang, “It’s just a matter of time…”
HARDTALK – Pilar Mateo