Sunday , December 22 2024

Congratulations 41 QC (ALSP) gradautes! Congratulations!

Oo, sa inyo mga nagsipagtapos ng Alternative Learning System Program.

Sino ba ang mga nagsipagtapos? Marahil magugulat o matutuwa kayo kapag nalaman ninyo kung sino ang 41 estudyante na nagmartsa kamakalawa sa Quezon City.

Gusto ba ninyong malaman kung sino-sino ang 41 estudyante na dapat din natin saluduhan?

Sila po ay mga bilanggong may karapatan din mag-aral, na pawang nakakulong sa Quezon City Jail na matatagpuan sa likurang bahagi ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 na matatagpuan sa EDSA, Diliman, QC.

Iyan ang tama, habang nakakulong ay mag-aral lalo na kung nabibigyan ng  pagkakataon. Galing naman ng warden ng QC Jail. Sino ba ang warden diyan? Mukhang napaka-humble naman ng warden dito kasi sa press statement na nakuha natin ay hindi man lang nabanggit ang pangalan ng warden.

Naku warden, alamin mo nga iyan, mukhang tinatrabaho ka nang pailalim.

He he he… hindi naman siguro. Marahil iyong tao mong gumawa ay hindi lang siguro sanay gumawa ng press statement. Huwag mo nang sermonan at sa halip isama mo na lamang siya sa susunod na batch ng mag-i-enroll sa programa ninyo.

Yes, para matuto rin. Tama!?

Sana isa na lang sa graduates ang gumawa baka mas maayos pa.

‘Nga pala, ang kulungan po kasi ay hindi naman basta kulungan at sa halip ay isang rehabilitation center. Do I need to elaborate kung anong ibig sabihin ng rehabilitation center? Self explanatory po ‘yan. Kaya nasa tamang landas si warden sa kanyang ginagawa sa mga inmate na ipinagkatiwala sa kanya.

Keep up the good work warden.

Balik tayo sa mga nagsipagtapos. Kamakalawa nga ay 41 male inmates ang nagsipagtapos sa programa ng QC Jail – ang “Alternative Learning System “ para sa academic year 2015-2016.

Ang proyekto ng QCJ ay may kaugnayan din sa programa ng Department of Education (DepEd) na nagmula naman ang mga guro na magtuturo sa

sa nasabing ahensiya –  “modular lessons” mula elementary at secondary level.

Sa programang ito, kahit na nakakulong ay nabibigyan ng pagkakataon mag-aral at makatapos ang mga bilanggo kahit man lang iyong ‘ika nga ay basic education.

“Through the Alternative Learning System Program, the inmates are given the oppurtunity to finish their basic education even if they are behind bars. QCJ-MD which used to be a tailender in the Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Exam given by the DepED has eventually rise and landed 2nd place in all NCR jail  in the number of passers in the recent examination,” ilan sa nilalaman ng press statement.

Sir warden, teka sino ba ang warden dito. Hoy Fred Salcedo, sino nga ba?

Anyway, tulog pa si Fred. Sino ka man Lakay, maganda at saludo ang bayan sa ginagawa ninyong pag-aalaga sa mga inmate.

Mag-aaral sila kaysa mag-droga. Kunsabagay, wala naman droga sa loob ng inyong kulungan, di po ba sir.

Kaya, ipagpatuloy ninyo ang magandang hangarin ni Mr. Warden para sa 4,000 plus inmates na ipinagkatiwala sa inyo.

Uli, galing ninyo Mr. Warden. Teka sino nga ba ang warden?

Hayun nakuha ko na, si  Supt Llander Latoza daw. Maraming salamat Mr. Peter Lacang ng Filipino Mirror.

Supt. Latoza, ayos ‘yan! Saludo ako sa iyo!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *