MATAGUMPAY ang kauna-unahang konsiyerto ni Marlo Mortel, angMMLuvOPM sa Zirkoh, Tomas Morato noong Agosto 19, na ipinrodyus ng mga kapwa manunulat na sina Rodel Fernando, Mildred Bacud, atRommel Placente.
Naging espesyal niyang panauhin sina Fourth Solomon na nagbigay ng dalawang awitin, Yexel Sebastian, A Movers, TJ Atienza, Carl Saliente,at ang komedyanteng si Aekaye Tereshkova.
Punumpuno ang venue sa rami ng mga tagahanga ni Marlo mula sa Marnella sa pangunguna ni Mommy Eves at sa Marlo’s World sa pangunguna naman ni Eve.
Umawit si Marlo ng walong kanta na talaga namang patok na patok at sinabayan ng mga tagahanga. Pasasalamat nga ang gustong ibalik ni Marlo sa kanyang mga tagahangang pumunta sa matagumpay niyang concert.
MATABIL – John Fontanilla