Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Entertainment columnist na napagkamalang driver/lover ni De Lima, hihingi ng legal advice

082316 roldan Ms M GMG
Kasama namin ng Hataw Managing Editor Gloria Galuno ang controversial ‘driver-bodyguard at/o rider/lover look alike raw na si Roldan Castro.

00 SHOWBIZ ms mNANGANGAMBA sa kanyang kaligtasan ang entertainment columnist na napagkamalang driver/lover ni Sen. Leila De Lima na si Roldan Castro, kaya naman hihingi ng legal advice ang huli para matukoy kung sinuman ang nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

Ayon kay Castro nang magtungo ito ng personal sa tanggapan ng Hataw kahapon, nakatakda ang kanilang pagpupulong ngayong umaga ni PAO Chief Persida Acosta.

Ani Roldan, “Hindi ko puwedeng ipagsawalang bahala ang nangyayaring ito. Nakakalokang biglang nag-viral ang picture ko kasama si De Lima.”

Nag-umpisang kumalat sa social media ang larawan nina Castro at De Lima matapos akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator De Lima na umano’y mayroong relasyon sa kanyang driver.

Ani Castro, ang larawan niya kasama si De Lima ay kuha noong nagpa-presscon ang huli para sa pagtakbo sa senado.

“Ito ang pagkakaiba ng mga blogger sa mga journalist talaga. May mga iresponsableng blogger na ‘di muna itsine-check ang facts.

“May nagsabi nga sa akin na blogger (Judge) na ‘You became celebrity due to an irresponsible act of a blogger’.”

Totoo ang tinurang ito ni Jude gayundin ni Castro na siya ay nadale ng emotional outlet at intellectual masturbation ng ibang hindi nag-iisip basta lamang may mai-post.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …