Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respetadong politiko closet queen pala

ISANG beses pa lang naming nakita nang personal ang politician na isang closet queen raw sa matagal na panahon.

Na-invite kasi kami sa presscon niya ukol sa kanyang candidacy noon at ni katiting na hinala ay never namin pinagdududahan ang politiko sa kanyang kabaklaan.

Paano naman kasi kukuwestiyonin ang gender nito ‘e lalaking-lalaki kung tumayo at astig rin kung magsalita kaya hindi talaga aakalain na may bahid ang opisyal ng gobyerno.

At bulong pa sa amin ng gay businessman na close sa staff ni politician mahilig raw sa boys si politiko at style raw nito tuwing may nagbebenta sa kanya ng mamahaling painting ay may request siya bago bumili.

Kailangan dalhan siya ng machong papa sa kanyang condo at bahala na siya rito at siyempre may mga kumakagat sa demand ng ating bida dahil malaking halaga ang ibabayad sa kanila at may bonus pa raw lalo na kung satisfied ang ating ‘Ateh.’

Kalurky gyud!

Coco tuloy-tuloy ang misyon sa bayan

ACTION-DRAMA SERIES NA

“FPJ’S ANG PROBINSYANO”

NUMERO UNO PA RIN SA RATINGS

To be exact ngayong September 28, one year na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin and still number one pa rin ito sa timeslot ng ABS-CBN Primetime Bida na mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.

Malaking factor kung bakit patuloy sa kanyang pamamayagpag si Coco ay hindi lang siya actor na umaarte sa pinagbibidahang serye kundi kabilang rin siya sa creative team na pawang mga bagong idea ang suhestiyon ng Kapamilya actor na nakatutulong para makabuo sila ng magandang istorya at adbokasiya sa bawat manonood.

Tulad ng episode ng online scammers na pinamunuan ng sextorionist na si Ella (Vice Ganda) na ang modus ng grupo ay bina-blackmail ang kanilang biktima para makakulimbat ng milyong dolyares na nasugpo ni Cardo (Coco) at nakakulong na sa piitan.

Sa pamamagitan ng programa ay nagkaroon ng higit na awareness ang publiko ukol rito kaya mababawasan na ang magiging biktima ng scam. Ngayon, ang talamak na problema pa rin sa droga ang misyong tinututukan ni Cardo at sangkot dito ang ilang beses nang nakatatakas sa batas na si Tomas (Albert Martinez) at beteranong lider ng sindikatong biyenan na si Don Emilio (Eddie Garcia) na may bagong protektor sa katauhan ng mamamatay tao at gahaman sa salapi na congressman (John Regala).

Ang karanggo ni Cardo na si police Senior Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) na patuloy sa pagtraidor sa kanilang departamento. Walang patid mula’t sapol na pagtatakip sa kasamaan at mga illegal na gawain ng daddy niyang si Tomas. Tulad ng ama ay masama rin siyang tao na nakuhang patayin noon ang kambal ni Cardo na si Ador na huwarang pulis probinsya.

Kailan kaya madidiskubre ni Cardo ang kasamaan ng mag-ama na pumaslang sa asawa ng kapatid na si Carmen (Bela Padilla).

Samantala may bagong pasok na character sa FPJ’s Ang Probinsyano at sila ay sina Cherry Pie Picache, Carlo Aquino na gaganap na mag-ina at gumagawa ng fireworks at bomba na may connect kay Congressman at Yassi Pressman na gumaganap na TV field reporter.

Kabilang rin ang mag-ina ni Regala dito na sina Maria Isabel Lopez at Albie Casino.

Walang puwedeng kumabog sa nasabing action-drama series gyud!

MCCOY DE LEON

TAGUMPAY SA RATING

Napanood na noong Linggo ang “Tikboyong” ng PBB Kapamilya actor na si McCoy De Leon na bagong featured story sa WANSAPANATAYM Presents kasama sina Epi Quizon, Nikki Gil, Alex Cruz, Alora Sasam, Jai Agpangan at Jane De Leon na gumaganap na love interest ni Tikboyong sa pambatang fantaserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

Nagtagumpay si McCoy sa unang attempt na maging lead actor dahil mataas ang rating ng kanyang episode na 33.1% base sa datos ng Kantar Media National TV Ratings.

Ang Tikboyong ay kuwento ng batang ipinaampon sa mag-asawang Nikki at Epi na anak ng Tikbalang. Palakaibigan si Tikboyong kaso dahil sa pagiging lampa ay nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase.

Mapapanood ito tuwing Linggo sa Dos pagkatapos ng The Voice Kids.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …