Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, overwhelmed sa pagsalubong ng Kapamilya Network

00 SHOWBIZ ms mANIM na taon ding nawala sa sirkulasyon si Aga Muhlach. Huli siyang napanood sa pelikulang In The Name of Love na pinagsamahan nila ni Angel Locsin na handog ng Star Cinema.

At ngayon nagbabalik si Aga bilang ikaapat na hurado sa Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN at makakasama niya sina Vice Ganda, Sandara Park, atYeng Constantino. Uupo siya bilang hurado sa isang talent competition para hatulan ang mga nagnanais maging band members.

Ayon kay Aga, nakatulong sa kanya ang anim na taong break sa showbiz para matutukan ang kanyang dalawang anak. ”It’s not really going back to ABS-CBN, but also going back to work,” sambit ng actor na talaga namang na-overwhelmed din sa pagsalubong ng Kapamilya Network sa kanyang pagbabalik.

Ani Aga, gusto rin niyang gumawa ng pelikula at looking forward siya sa pakikipagtrabaho kay Lea Salonga. ”Kailangan lang ng right script and of course Lea’s schedule kailangan okey ‘yun and sa schedule ko, hahaha,” pabirong giit ng actor.

Napag-alaman naming isa si Lea sa nag-convince kay Aga para tanggapin ang pagiging hurado sa Pinoy Boyband Superstar pero iginiit nitong ang kanyang asawang si Charlene ang mas nakapag-engganyo sa kanya gayundin ang kanyang anak na excited sa naturang singing competition.

“’Yung anak ko talaga ang excited dito at sabi niya gusto niyang sumama sa first taping namin.”

Magsisimula ang Pinoy Boyband Superstar sa September 10 at sinabi ni Aga na excited at ninerbiyos siya sa unang pagkikita nila nina Vice, Sandara, at Yeng.

“Sa kanilang tatlo, tanging si Sandara pa lamang ang nasa bakuran ng ABS-CBN, before I tempora­rily left the network,” ani Aga.

Bago ang presscon sa pag-welcome kay Aga, nauna muna ang pagpirma niya ng kontrata na dinaluhan nina ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, at Head ng Finance for Broadcast and Integrated News and Current Affairs Cat Lopez.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …