Sunday , December 22 2024

A father’s love and care

NITONG Hulyo 8, 2016, Lunes, nagsisuko kay PNP chief  Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis na kabilang sa ibinunyag ni Pangulong Duterte na pawang sangkot sa droga.

Sa pagsuko at pagharap ng mga pulis, kinabibilangan ng mga opisyal, sinabon sila ni Bato.

Maririnig sa radyo at napanood sa telebisyon na nanggagalaiti sa galit ang hepe ng Pambansang Pulisya.

Umuusok pa nga raw ang ilong, sa galit ni Bato sa mga pulis. Paano ba naman, pulis na inaasahang tutulong sa pagsugpo sa lumalalang pagkalat ng ilegal na droga sa bansa, hayun sila pa ang nangunguna sa pagbebenta ng droga.

Kung hindi sila protektor, binabawasan nila ang kanilang mga nakokompiskang droga at pinapalitan ng tawas. Iyong pinalitan ay kanilang ibinebenta. Sa madaling salita, nagiging tulak na rin ang mga pulis.

Panay mura ang inabot ng mga sumukong pulis kay Bato. Humantong pa nga sa paghahamon ni Bato ng suntukan sa mga sumuko.

Wala naman lumaban at sa halip ay talagang nakinig sila kay Bato at nangangakong tutulong sa pagsugpo ng droga bukod nga sa pangakong hihinto na sa pagre-reycle ng droga.

Ang nakapangingilabot na sermon at pagmumura ni Bato sa mga pulis ay umani ng iba’t ibang reaksiyon lalo na ang kanyang malulutong na pagmumura.

Sa totoo, kulang na lamang pagbibigwasan ni Bato ang mga sumukong pulis.

Nandiyan iyong mga nagsasabing okey lang ang sermon sa mga gagong pulis pero huwag naman daw sana pagmumurahin.

Pero nandiyan naman ang mga saludo o sang-ayon sa mga pinaggagawa ni PNP chief o ang kanyang ginawang sermon na may kasamang pagmumura. Masuwerte nga raw ang mga pinagmumura dahil panay mura lang ang kanilang inabot.

E paano kung sa operation sila… at manlaban. E ‘di kabilang na sana sila sa mga adik at pusher na napatay. Suwerte ninyo talaga ang kumag.

Mabuti nga’t may puso pa si Bato at ang mahal nating Pangulo, si Digong Duterte.

Matapos kong marinig at mapanood ang katakot-takot na sermon ni Bato sa mga pulis. Hindi po tayo nagalit sa ginawang pagmumura o para bang kulang na lang ‘bigyan’ ng heneral na kutos sa ulo ang mga pulis.

Sa halip, ang nakita natin sa ipinakita ni Bato sa kanyang mga pulis ay pag-aalala sa sermon ng isang ama sa kanyang mga anak na nagkamali.

Ipinadama ni Bato ang kanya pagmamahal sa kanyang mga anak. Hindi ba siya ang ama ng mga pulis? So, ang ipinakita ni Bato ay isang pagmamahal sa nagkamaling anak.

Hindi ba tayo, kapag nagkamali din ang ating mga anak ay sinesermonan natin at kung minsan ay napapamura din tayo sa galit.

Iyon bang kinakailangan gawin may pananakot ang sermon para maramdaman nila ang galit at ang kanilang pagkakamali. Kung maging malambot kasi ang sermon, hay naku hindi ka pakikinggan o parang balewala lang sa kanila.

Kaya, naiintindihan ko ang naging reaksiyon ni Bato nang magalit siya sa mga narco cops lalo na’t droga ang kinasasangkutan n ito.

Alam naman natin ang ilegal na droga, marami nang buhay ang pinatay nito at marami na rin kinabukasan ang winasak ng droga.

Yes, si Heneral Bato bilang ama ng pulisya sa bansa, ang sermon na ipinakita niya ay masasabing “a father’s love and care” to his lost son/s.

Ganoon din si Pangulong Duterte, hindi lamang bilang isang Pangulo ng bansa ang kanyang ipinapadama sa atin hinggil sa kampanya niya laban sa droga, kundi bilang isang ama na gusto niyang walang mangyari sa kanyang mga anak, kaya gagawin niya ang lahat para masugpo ang talamak na problema sa droga na ugat ng kriminalidad sa bansa.

Kaya sa mga sumuko, huwag paglaruan ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa inyo para magbago kundi… ano sabi ni Heneral Bato? “Mamamatay kayo!”

Galing mo talaga Gen. Bato! Go on sir, suportado po namin ang kampanya ninyo laban sa droga.

Sa inyo rin po Mahal na Pangulong Digong, ipagpatuloy ang laban sa droga.

Mabuhay po kayo Pangulo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *