Saturday , November 23 2024

Rock the boat ‘Rocky’

ANG alam natin ay ipinagbawal na ang bidding o ang pataasan ng ‘tara’ sa mga tagahawak ng intelihensiya sa buong Metro Manila.

Ang malungkot, hindi pala nasusunod ang bilin ng regional director ng PNP-NCRPO. May mga pasaway na enkargado de pitsa.

Sa nakalap nating impormasyon, muli palang naibalik sa kamay ni Rocky ang kabuuang nakakalap na weekly intelehensiya sa buong SPD o sa area ng south of Manila. Kaya lagi na namang umaapaw sa pitsa ang bulsa ni Rocky na minsan ay muntik na raw madapa sa bakuran ng SPDO sa kabibilang ng mga dumating na ‘padulas’ mula sa mga nagpapalaro ng jueteng, bookies ng EZ-2, lotteng at sakla de terembe.

For your eyes only S/Supt. Tomas Apolinario.

PASAWAY NA PULIS

ISANG grupo ng pulis-Parañaque ang madalas daw na nakaistambay sa Baclaran at madalas na kausap ang ilang Muslim vendors na pakador sa droga.

Naku po!!! Umiwas na kayo Akbang, Perez, Ramirez at  Kaise sa area ng Baclaran.

Matatandaan na iniutos ni pangulong Rodrigo Duterte kay PNP chief Ronald “Bato’ dela Rosa na ipahuhuli niya ang pulis na sangkot sa illegal activities.

MARTIAL LAW?

HINDI biro ang binitawang salita ni president Rodrigo “Digong” Duterte na mapipilitan siyang magdeklara ng martial law kung ipagpapatuloy ni Supreme Court chief justice Sereno ang pakikialam sa pakikibaka ng gobyerno sa kampanya sa ilegal na droga.

Gigil na gigil pa ang pangulo nang ihayag niya sa harapan ng mga sundalo ang katagang martial law.

Sa tingin namin, hindi nagkaintindihan ang pangulo at ang Supreme Court chief justice tungkol sa kampanya ng pamahalan sa ilegal na droga.

SINA LANDO BULAG AT REYES
ANG PAKADOR NG 1602 SA CAVITE

IPINAGYAYABANG ni Lando, alias “Bulag” na amo niya ang bagong bagman ng mga intelehensiya sa Cavite.

Kay Reyes, alias “Troy” rin daw ini-entrega o inire-remit ni Lando ang lahat ng intelihensiya na nakukuha niya sa mga gambling lord sa buong lalawigan ng Cavite.

Ang ginagamit daw ng mag-amo para pumasok sa kanila ang mga ‘padulas’ na intelihensiya ay police provincial office ng Cavite-PNP na ang headquarters ay nasa Imus, Cavite.

Alam kaya iyan ng PD ng Cavite?

Sa lalawigan ng Cavite, magmula sa upper at lower land ng Cavite ay hindi maikakaila na largado ang iba’t ibang uri ng pasugal lupa, ang jueteng, lotteng, VK, sakla at EZ-2.

Si Eilleen ang mas nakakaalam.

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *