Saturday , November 23 2024

Maliligalig na pulis-Parañaque

Dragon LadyMAY sumbong na nakarating mula sa isang masugid na mambabasa ng pahayagang HATAW, may mga pulis umano na nakatalaga sa Parañaque City, ang madalas tumambay sa lugar ng mga Muslim na sangkot sa ilegal na droga.

Hindi lang batid kung mga adik din ang mga pulis.  Dahil kung matitino sina police officers Acbang, Perez, Ramirez, at isang may apelyidong Caise, hindi sila mangingikil sa illegal vendors.

***

Pasaway umano ang mga pulis. Dapat ang sumusuway sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay itapon sa Mindanao! Ano ang masasabi ninyo mga sarhen-tong? Buking na kayo!

IBINULGAR NI DUTERTE KULANG PA

Sabi, may second batch pa ang mga pangalan na ibubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na pawang sangkot sa ilegal na droga.

Mahal na Pangulo, pakisama po ninyo sa listahan ninyo ang isang abogado, ex-vice mayor at isang Intsik na sangkot sa ilegal na droga diyan sa Tacloban City.

Sa lalawigan ng Cavite, halos napatay na ang mga adik bago pa man naupo si Pangulong Duterte. Ang mga pinatay ay mga adik, maliliit na pusher na kilala kung sino ang nagsusuplay. Mga pulis din ang pumatay.

Kaya huwag matuwa si President Digong na may napapatay ang mga pulis na drug pushers o drug addict, dahil ang iba rito kaya pinapatay ay upang huwag ibulgar ang kanilang mga pangalan bilang  protektor ng ilegal na droga!

CAMPAIGN FUND
GALING SA DRUG LORD

May mga alkalde na nanalo noong nakalipas na eleksiyon ang posibleng tumanggap ng campaign fund sa drug lords at gambling lords kapalit ng malayang operation ng ilegal na droga sa sakop na lugar.

Isa ito sa dapat pagtuunan at paimbestigahan ni Pangulong Duterte. Sino-sino sila, ka-partido man o hindi dapat na mabulgar. Ang masaklap, kumita pa ang kandidato.

DIVORCE SA FILIPINAS
APRUBAHAN NA

Sa ika-limang pagkakataon, muling inihain ng Gabriela-Party-list na gawing legal ang diborsiyo sa Filipinas, partikular rito ang mag-asawang hindi na magkasundo. May limang taon nang hindi nagsasama at kapwa may psychological incapacity.

May 60 porsiyento ang payag sa diborsiyo, ngunit ang simbahang Katoliko ay hindi pabor dito dahil sa katuwiran na ang kasal sa simbahan ay isang sagradong matrimonyo.

Paano naman ang mga ikinasal lamang sa huwes? Pabor tayo sa diborsiyo, para naman muling makahanap talaga ang bawat isa ng tunay na makakasama sa habambuhay, kung may mga anak, puwede naman pag-usapan ‘yan, basta kayo pa rin ang mga magulang.

Nasa tamang pagpapaliwanag lamang ‘yan! Sabi nga puwede kang maging isang mabuting ama o ina, kahit di ka mabuting asawa. Ang mahalaga, good provider ka. Mayron nga riyan ang dami ng anak, iniiwanan pa.

Kung inyong napapansin, bihira sa isang ina na ihiwalay ang kanyang mga anak, pero sa kalalakihan, mas marami ang nagpapabaya.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *